Sharon Cuneta, hinarangan ang mga kapwa nanonood sa 1D concert

Sharon Cuneta, hinarangan ang mga kapwa nanonood sa 1D concert

Sharon-CunetaBASH ANG inabot ni Sharon Cuneta nang ma-post ang picture niya na nakapayong while watching the concert of One Direction recently.

Lumabas sa Fashion Pulis ang post kung saan itsinika na naimbiyerna ang isang nanay na obviously ay nasa bandang likod ni Megastar nang magbukas ito ng payong nang umambon. Apparently, nairita ang madir dahil sa ginawa ni Sharon ay hindi na nila napanood ang performance ng 1D sa stage at nagkasya na lang sila sa panonood sa big screen.

Naka-post din sa short article ang larawan ni Sharon na me hawak na payong. Ang nakasaad sa post, dumating ang isang VIP na me kasamang bodyguards. Meron daw itong dalang payong at posters na ipinagbabawal sa concert venue. The report said that the mom paid P17 K each para sa kanilang tatlong mag-iina.

Agad-agad, bash ang inabot ni Ate Shawie.

“There she goes again, feeling queen at entitled.”

“negative aura talaga siya.”

“katawan na nga lang ni sharon malaking abala na pati umbrella pa. pero pwede naman siguro nila pakiusapan. baka natakot sa mga bodyguards? so balewala lang sa kanila ang 17k? ganern?”

But there are those who came to her defense as one said, “mas nakakaharang pa yung mga taong nakatayo. si Sharon nakapayong pero nakaupo lang. tingnan mabuti ang pic. paano siya nakasagabal? siya nga ang lowest point sa pic.”

“Korek! Parang sa nasa gilid ang kumukuha ng picture papanong natakpan sya ng payong??? Duhhh… tao nga naman,” say naman ng isa pang maka-Sharon.

Actually, napakababa ng inupuan ni Sharon kaya paano nga naman siyang makakasagabal sa panonood. Madali namang remedyuhan ‘yon, gasino bang tumayo na lang sila, ‘no!

Anyway, mag-comment kaya si Ate Shawie sa isyung ito?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas