Sharon Cuneta, happy sa suporta ni Robin Padilla sa ‘Ang Pamilyang Hindi Lumuluha’

ADVERTISING

Sharon Cuneta, happy sa suporta ni Robin Padilla sa 'Ang Pamilyang Hindi Lumuluha'

Sharon Cuneta, happy sa suporta ni Robin Padilla sa 'Ang Pamilyang Hindi Lumuluha'
Sharon Cuneta

KUNG hindi pa premiere night ng pelikulang “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”, hindi pa mapapanood ni Megastar Sharon Cuneta ang first indie film niya sa nakaraang Cinemalaya Film Festival.

 
Unang subok niya sa pagawa ng pelikula na ang konsepto ay indie at malayo sa nakasanayan niyang “big production” outfit na very “big” ang treatment nila sa mga artista lalo na pagdating sa talent fees.
 
Gusto kasi ni Shawie ang pelikula ni Direk Mes de Guzman na nang i-offer sa kanya, hindi isyu sa aktres ang budget. In short, oks lang na ang balita nga namingay nag-co-produce siya at nagdagdag ng financial assistance sa pagbubuo ng pelikula.
 
Alam naman kasi ni Mega na maliitan ang budget kapag indie film. Pero dahil gusto ni Sharon ang project, kahit ano ang madatnan ay keri lang.
 
Sa darating na Wednesday, September 6 na ang pelikula niya with Richard Quan (who plays his husband) and Nino Muhlach.
 
One nice thing kung bakit masaya si Mega for her film ay rated pang-General Patronage ng MTRCB ang pelikula niya. “At least my children can watch it,” pahayag niya sa blogcon for her movie yesterday, Sunday.
 
Sharon Cuneta, happy sa suporta ni Robin Padilla sa 'Ang Pamilyang Hindi Lumuluha'
Sharon Cuneta

Kuwento nga niya, masaya siya dahil ang future leading man niya na si Robin Padilla para sa pelikula nila sa Star Cinema ay nag-effort na manood  ng first indie film niya at tumulong sa pag-promote online ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

 
“I am so happy. If all goes well, I will be inspired to make another one. The timing is just right. ‘Kita Kita’ was a hit. The Pista ng Pelikulang Pilipino did well. I am really excited,” kuwento niya.
 
 
Ibinalita ni Sharon na uumpisahan na nila ni Binoe ang pelikula nila na November ang playdate. Si Cathy Garcia-Molina ang direktor na nakatrabaho na niya sa mga pelikula niya in the past with Direk Olive Lamasan, kung saan naging assistant director si Direk Cathy sa mga pelikula ng Megastar like Madrasta at Minsan Minahal Kita.
 
Kasama nina Shawie at Binoe ang bagong loveteam sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING