SHARON CUNETA, HANDANG MAKIPAG-GIYERA KAY HAYDEN KHO

ADVERTISING

 SHARON CUNETA, HANDANG MAKIPAG-GIYERA KAY HAYDEN KHO HANDS-ON TALAGA ANG Megastar na si Sharon Cuneta when it comes to her being a mentor and a coach ng mga hopefuls sa Star Power ng ABS-CBN. At habang papalapit na ang moment of truth para sa limang natira, mararamdaman mo rin ang kalungkutan sa Megastar dahil nga naging isang ina na siya ng lahat ng sumali sa nasabing contest. Sa Linggo na gaganapin ang grand finals nito sa Ynares Gym sa Antipolo.

Pero sa kabila ng kaabalahan ng Megastar sa kanya ring kusina at sa kanyang Sharon at Home, may gumulo na naman sa mundo niya. Dahil ito sa twit ni Hayden Kho-na nagtanong daw ng opinion sa isang billboard. Timing naman ang paglabas o pagtataas ng billboard ni Mega para sa Marie France.

ADVERTISING

Maaanghang ang sagot ng Megastar sa tinuran ni Hayden, na nilinaw bigla na ang tinutukoy niya raw ay ang kalaban niya sa mundo naman ng perfume business na si Joel Cruz, ang Lord of Scents.

Kaya ang mga hirit ni Shawie, hindi pa nag-flop ang anumang produktong inendorso niya in her entire career. Ngayon nga lang daw siya nakasalubong ng ganitong klaseng intriga na parang insinuating na niloloko nila ang tao sa ipinapakita ng Marie France sa billboard nila. Nilinaw ni Shawie na walang retoke sa pictorial niya for that. May mga duda na si Mega sa nagpapakana ng nasabing campaign laban sa kanya at sa produktong pinili niyang iendorso.

Nanahimik na nga raw siya dati nang madawit ang  pa-ngalan ng kanyang anak na si KC Concepcion sa kaguluhan noon sa Belo clinic.

ADVERTISING

“I know how to protect myself. But there are times na I have to stand up and fight for myself. Sawa na ako sa kaka-‘no comment’. I never said anything nu’ng idinamay nila ang anak ko sa gulo nila. Hindi basta-basta at kung saan lang nanggaling ang anak ko. I kept my peace. Successful naman ang Belo, ah? Bakit kailangan nila itong gawin? Sinisiraan mo ba kami? Why do you have to talk?” pahayag ng Megastar.

Hindi sold si Shawie sa idea na si Joel ang inaaway o tinutukoy ni Hayden. Dahil ang tagal na raw ng isyu sa pagitan ng dalawa.

“I have never in my wildest dreams thought na I’d be associated even with his name. I talk about my sama ng loob sa fan page ko in Facebook. For some people, it is so convenient na kunwari hindi sinasabi para in the end, makakapag-deny.

“Maraming salamat sa ‘yo, napapag-usapan ng bonggang-bongga ang billboards namin. Parang nagkagulo kayo nang makita n’yo ang billboard ko. Nataranta kayong lahat! Common sense na lang. When I get hurt, kailangan kong lumaban. At hindi ako papayag na sirain ng gano’n lang ang pangalan ko ng kahit na sino pa!” ang matinding pahayag ng Megastar.

 SHARON CUNETA, HANDANG MAKIPAG-GIYERA KAY HAYDEN KHO

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING