Sharon Cuneta, handang makatrabaho si Piolo Pascual

ADVERTISING

Sharon Cuneta, handang makatrabaho si Piolo Pascual

Sharon-Cuneta-Piolo-PascualGUSTONG GUMAWA ng teleserye ni Sharon Cuneta sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN. Matagal na raw siyang hindi nakagagawa ng drama at willing siyang makatrabaho kahit sino sa mga Kapamilya stars.

Handa rin daw siyang makatrabaho si Piolo Pascual na naging ex-boyfriend ng anak niyang si KC Concepcion. Nagkaroon man ng isyu noon sina Shawie at Piolo, pero hindi naman ito lumala.

Willing din si Sharon na makatrabaho ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion. Matagal nang nababalita na gagawa sila ng pelikula sa Viva, pero hindi naman ito natutuloy. Baka mauna pa ang pagsasama nila sa TV na tiyak na ikatutuwa ng fans ng kanilang tambalan.

Samantala, medyo pumayat na si Sharon. Ayon sa kanya, 40 lbs. na ang nabawas sa kanyang timbang simula nu’ng nag-start siya ng natural diet. Mas gusto raw niyang magpapawis, mag-exercise at bawasan ang pagkain kesa magpa-liposuction.

ADVERTISING

Tinatrabaho ngayon ng Megastar na mabawasan pa siya ng 15 lbs. para mas lalong maging physically fit. Wow!

Well, isa kami sa maraming natutuwa sa pagbabalik ni Sharon sa ABS-CBN where she truly belongs. Twenty four years na siya sa Dos and according to her, nagbakasyon lang siya sandali nu’ng panahong nasa TV5 siya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING