Sharon Cuneta, gugulatin ang madla sa sobrang pagpayat!

Sharon Cuneta, gugulatin ang madla sa sobrang pagpayat!

Sharon Cuneta, gugulatin ang madla sa sobrang pagpayat!

 OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Again and again to the maximum autho-rity of chikka ng inyong yours truly na nagmamaganda lalo na pagdating sa chikkan, dahil TGIF na naman at ratsada na naman tayo. Meron akong online streaming internet show, ang PINOY PARAZZI Live, kasama ang aking co-host na si Kristine Dera ng Love Radio, dahil mas in ngayon ang show sa internet, wala kang kinakatakutan at nagsasabi ka lang ng totoo…

O, ayan… speaking of totoo, magchismisan na tayo dahil hindi ako naniniwala na ang kailangang isustento ni Yilmaz Bektas sa mga anak niya kay Ruffa Gutierrez ay bonggang laki. At ang sabi nga ni Ruffa ay kailangan niya talagang suportahan ang kanyang junakis.

At heto ang usapan nila, kailangang magbigay ni Yilmaz ng 2-M dollars kapalit ng kanyang anak. Wala naman talaga silang ganu’ng usapan, pero speaking of Yilmaz, akala nila siguro mayaman si Yilmaz sa bansa nila. Eh, ang alam naman natin, mayaman ang mga magulang niya at siya ay parang ordinaryong tao lang du’n kaya nga siguro ito binitawan ni Ruffa. Parang nasawi siya sa akala niyang kayamanan ni Yilmaz.

At heto pa ang bonggang chikka, na kaya pala uuwi rito sa Pilipinas si Yilmaz ay para sunduin na niya ang babae niya rito na hindi ko pinangalanan noon, pero ngayon ay papangalanan ko na, si Belinda Jaramilla. Ang talent ko dati at sinasabi nga sa akin ni Belinda na talagang pinapadalhan pa raw siya ng kung anik-anik at pinapaayos na sa kanya ang dapat niyang ayusin para masundo na siya at maisama na siya ni Yilmaz.

Abangan na lang natin… at tinanggal pa nga ako ni Yilmaz sa kanyang FB, dahil nalaman niya yatang nasa media ako… kalurki!

Abangan…

 

AT HETO NA dumako na tayo sa usap-usapan na talaga namang pinagtsi-chismisan noon na wala na ngang pag-asang pumayat si Sharon Cuneta dahil hard kain ito at walang disiplina sa sarili sa kung ano ang gusto niyang kainin.

Pero ‘eto na nga ang chikka, at dito lang kauna-unahang lalabas ‘yan. Abangan ang pagbabalik ni Sharon na talaga namang ang laki ng pinagbago, dahil sa show niya. Super payat na raw nito, at ang laki talaga ng naitulong ng show niya. Mukhang nagkaroon na siya ng disiplina sa pagkain… ‘di ba? Excited na ko kung ano ang kinalabasan… Pak!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong hunk actor na talaga namang bali-balita at alam natin na nagpapa-booking? In fairness naman, noon ay mahal ng talent fee niya. Naku P150K, wild ang mahal, ‘di ba?

Ayan mukhang nagmura na at pababa nang pababa ang tf niya at dahil nawalan na ito ng masyadong career, bumaba na sa P10K at talagang nagmura na.

Pero naku, ‘te… kahit ako mukhang hindi ko na lang siya papatulan dahil baka magkasakit pa atashi… hindi ko keri… ‘di ba? Naku, kung sino man itong aktor na ito, mukhang mahuhulaan n’yo dahil mukhang yumminess talaga!!!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding