Sharon Cuneta, galit sa mga baklang kloseta?!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, galit sa mga baklang kloseta?!

Sharon Cuneta, galit sa mga baklang kloseta?!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority ng nag-iisang yours truly.

ADVERTISING

Ay, ambot! Look na lang ako sa sky, dahil ayaw kong masira ang Friday ko. Kasi ba naman, nawalan kasi kami ng cable sa bahay ngayon. TV5 lang ang malinaw. Pinagtiyagaan kong manood ng news, naloka ako sa teaser ng show na Sharon, Kasama Mo, Kapatid, kung saan guest niya ang puwede kong sabihing naging friend ko na rin na si Mr. Fu.

Muntik na akong mawalan ng ulirat at tumaas ang kilay ko na wala nang doktor na puwedeng magbaba. Kasi ba naman, ang tingin ko kay Sharon Cuneta, hanggang ngayon, bitter pa rin at hindi pa maka-move on sa nangyari sa kanyang anak na si KC Concepcion, ang pagkahiwalay nito kay Piolo Pascual.

Bakit kamo? Kasi nga itong si Mr. Fu na walang originality, malansa rin pala ang hasang. Kasi kumakain din siya ng buhay na tahong. Buti wala siyang anak, tulad ng mga friend kong sina Arnell Ignacio at Ogie Diaz. Tulad ko rin na nakalima at awa ng Diyos, nabigyan ko naman ng magandang kinabukasan, lahat sila tapos na sa kanilang kurso. Isa na lang, ang bunso kung si Kariz na graduating ngayon sa Trinity University of Asia. Dean’s Lister siya, taking up Tourism.

ADVERTISING

Teka, kung saan-saan na napunta ang mga sinasabi ko. Balik tayo kay Sharon, dahil nga sa pakikipagrelasyon nitong si Mr. Fu sa isang girl, kaya kung saan napunta ang usapan. Kasi nga, hiniwalayan na si Mr. Fu ng girl.

‘Eto na ang nakakalokang mensahe ni Sharon sa mga beking ayaw magladlad. “Kaya ang advice po namin sa sa mga bakla, magladlad na po kayo!”

‘Yan ang hindi ko ma-take sa sinabi niya. Kasi ano ba ang galit ni Sharon sa mga baklang tago na ayaw magladlad. May kahulugan ba ito sa sinabi ni KC kay Piolo na kaya sila naghiwalay kasi hindi nagpakalalaki si Piolo?

Sa sinabi na ‘yan ni Sharon, marami talaga ang nagtaasan ng kilay na hanggang ngayon, bitter pa siya at parang hindi pa nakaka-move on sa hiwalayang KC at Piolo. Alam kong matalino si Sharon, kaya lang hindi ko gusto ang mga pasa-ring niya sa televiewers, generally. Kasi marami ang nasasaktan kung magko-comment siya. Sabihin niya kung sino ang tinutukoy niya, kasi marami ang nadadamay.

Sana makarating ito sa kanya bilang nakakatanda sa kanya. Kasi minsan, nakikita niya ako, ‘ay icon na ‘yang si Tita Swarding’. Hindi lang ‘yan, kumare ko ‘yan kasi inaanak niya ang panganay kong anak si Ian. Siya pa ang kumarga habang binibinyagan. Kaya nagmamalasakit lang ako sa kanya.

O baka naman kaya hindi ito pumayat, dahil lahat na lang pinapatulan, pati twitter. Buti na lang, fb lang ako. Pati ang Tita Helen (Gamboa) niya, at last okay na sila. Sana ‘wag na siyang bumaba sa level niya. Ako ay nagmamagandang-loob lang sa kanya at payong kapatid lang po, okay Sharon? ‘Yun na.

 

SPEAKING OF bakla, nag-message sa akin itong si Jeff Gonsalez, dating member ng That’s Entertainment ni Kuya Germs na may isang nagngangalang Rens I. Tuazon ang nanggagamit daw ng kung sinu-sinong pangalan sa industriya para makaraket, at siya raw ang coordinator ngayon ni Malou Fagar sa Eat Bulaga sa nalalapit na Mr. Pogi. Mang-aagaw raw ito ng talent at maraming OPM (oh, promies me) na pasisikatin at kung kani-kanino ipapakilalang direktor.

Kaloka, as in, talaga. Kasi wala pa naman itong napatunayan. Kaya babala ni Jeff, mag-ingat kayo sa taong ito na nagngangalang Renz I. Tuazon. Baka kayo ay mabiktima nito. Ito po ay isang babala lang kung totoo man ito. Kailangang iwasan n’yo ito.

Sa bagay, ‘yan ngayon ang kalakaran. Kahit nga ako matanda na sa industriya, ginagamit pa rin ang pangalan ko, na sila raw si Tita Swarding. Kaya ingat kayo mga beki, makipag-ugnayan na lang kayo kay Jeff. Kasi marami talaga itong koneksiyon, isa na d’yan si Kuya Germs, ako at mga kilalang nasa showbiz industry. Bajao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING