Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion movie, tuloy na tuloy na!

ADVERTISING

Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion movie, tuloy na tuloy na!

Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion movie, tuloy na tuloy na!ILANG ARAW NANG nasa mga pahayagan ang chika na balik-Viva Entertainment ang Megastar na si Sharon Cuneta, that is, manager na niya ngayon uli si Boss Vic del Rosario (Viva president). At ito nga ay kinumpirma mismo ng anak ni Boss Vic na si Veronique del Rosario-Corpus, ang vice-pre-sident ng kumpanya, at president naman ng talent management arm nitong Viva Artists Agency.

ADVERTISING

Pero tulad ni Sarah Geronimo, hindi under VAA si Sharon, kundi direktang si Boss Vic ang business manager ng aktres.  Pero ang hindi nasusulat, co-manager pa rin naman pala ni Sharon ang former manager niyang si Sandra Chavez.  Ito ang say ni Veronique nang makausap namin sa presscon ng No Other Woman ng Star Cinema, kung saan ang dalawa niyang mga alagang sina Anne Curtis at Cristine Reyes ay nasa cast, with Derek Ramsay.

“They met a couple of times, pero hindi ko pa alam ang deve-lopments. Si Dad (Boss Vic) kasi left for the US and si Sharon, nasa Europe for her tour,” say ni Veronique. “They met twice or thrice… From my dad, ‘yun ang alam ko, he’s gonna help her (Sharon) again with her career and back to Viva, although nandiyan pa rin si Tita Sandra.

“Dahil siyempre, ayaw nating mang-apak ng ibang nandoon na,” dagdag nito.

ADVERTISING

So, maliwanag na hindi pa rin nawawala sa “eksena” sa buhay at career ni Sharon si Sandra Chavez na ilang taon na ring manager nito, dahil kasama ito sa mga meetings nila. At dagdag pa ni Veronique, ang kanyang Daddy ay siyang hahawak sa “bigger picture” at malamang na coordination side naman si Sandra.

Masaya raw ang mga taga-Viva ngayong balik na sa kani-lang kuwadra ang Megastar, dahil pamilya na raw ang turing nila sa kanya. “Viva will not be Viva if not for Sharon… Ang Viva ay nakilala naman sa mga Sharon Cuneta mo-vies,” aniya.

Hayan at may chika ang ilang press na sinundan nga raw kaya ni Sharon ang ex-husband na si Gabby Concepcion na earlier this year, eh lumipat na rin sa management ni Boss Vic (co-managed pa rin si Mommy Rose Flaminiano). Kaya ang tanong namin kay Veronique eh, kung may posibilidad na ngang matuloy ang comeback Sharon-Gabby movie under Viva?

“Of course, of course!” bulalas ng tuwang-tuwang si Veronique. “Sharon-Gabby era kasi ako, eh. Doon ako nabuhay at lumaki… Nanganak ako noong 1981, panahon ng PS I Love You!

Inamin niyang bilang isang “fan” daw ng Sharon-Gabby at nasa “posisyon” na rin siya, eh isa raw siya sa magpu-push upang matuloy ang nasabing reunion movie under Viva.

Sa mga nasulat naman na baka lumipat na si Sharon sa TV5 porke kasosyo ng ilang shows doon ang Viva Television (tulad ng Wil Time Bigtime), ang say ni Veronique ay wala siya sa posisyon upang kumpirmahin ang balitang ito dahil wala pa naman daw pormal na negosasyon tungkol dito.

Ang say lang niya, kung ano ang makakabuti sa talent ay doon sila. “We’re just here to negotiate for our talents, we don’t close the doors,” aniya.

Idiniin nito na sa tatlong networks naman ay may Viva ta-lents: Sa Dos ay sina Anne, Cristine, at Sarah nga; sa Siyete ay nandoon sina Sam Pinto, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Rufa Mae Quinto; at sa Singko ay si Willie, na kapartner nga ng kanyang Dad.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING