Sharon Cuneta, excited sa kauna-unahang teleserye

ADVERTISING

Sharon Cuneta, excited sa kauna-unahang teleserye

Sharon Cuneta, excited sa kauna-unahang teleseryeMARAMING FIRST daw sa bagong dramedy barangay-serye ng TV5 na Madam Chairman, kaya naman excited na excited si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang bagong show.

ADVERTISING

Sabi nga ni Sharon, ito ang kauna-unahan niyang teleserye at ibang-iba raw ang role niya rito kumpara sa mga nagawa niyang pelikula. First din daw kay Mega ang role ng barangay chairman na wala siyang kailangang baguhin sa kanyang sarili. Kung ano raw siya, kung ano ang hitsura niya, ganoon lang din daw ang makikita at mapapanood sa kanyang serye.

Mas masaya raw si Sharon ngayon sa nangyayari sa kanya sa TV5. Aniya, “‘Pag ang respeto mo sa leaders mo, present, bibigyan ka nila ng reasons para mahalin mo sila. ‘Pag gano’n, lahat kayo excited… mula sa mga staff hanggang sa mga artista… I’m very happy being part of TV5 now. I have not been this happy since I signed up.”

May puso daw ngayon ang mga boss sa TV5, kaya kita naman daw mga programs, ayon pa kay Sharon.

ADVERTISING

Sa Madam Chairman, gaganap ang Megastar bilang Elizabeth “Bebeth” de Guzman, isang mapagmahal na asawa at mabuting ina sa kanyang mga anak na sa kalaunan ay magiging Madam Chairman hindi lamang ng kanilang tahanan kundi pati na rin ng buong Barangay Sta. Clara.

Kasama rin si Jay Manalo bilang asawa ni Madam Chairman. Magkakaroon ng relasyon ang karakter ni Jay na si Dodong na isang OFW kay Beverly na gagampanan naman ni Regine Angeles. Naikuwento naman ni Regine sa presscon na hesitant daw siyang sabunutan si Sharon sa kanilang kumprontasyon nang mahuli ni Sharon ang pangangaliwa ng asawa.

Sabi naman ni Sharon, “Bilin ko sa kanila, lahat-lahat tayo artista, kung may kailangang gawin, sige lang. Kasi ‘pag naggi-guilty ka, parang hindi nakakatulong sa show. This is not may show, period. It’s the whole cast that give its life.”

Kasama rin sa Madam Chairman sina Bayani Agbayani, Ciara Sotto, Nannette Inventor, Malou de Guzman, Manny Castañeda, Glenda Kennedy, Fanny Serrano, Tony Mabesa, Jim Pebanco, Patani, Bearwin Meily at Toby Alejar. Mga anak naman ni Sharon sa serye sina Akihiro Blanco, Shaira Mae Dela Cruz at Byron Ortile.

Ang Madam Chairman ay sa direksyon ng tinitingalang direktor na si Direk Joel Lamangan, kasama ang award-winning scriptwriter-director na si Direk Joey Reyes bilang head writer.

In time din sa nalalapit na barangay elections ang pagsasa-ere ng Madam Chairman simula October 14, alas-7:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, sa bagong primetime programming ng TV5 na “Everyday All The Way”. Inaasahan ng production na bukod sa entertainment value ng Madam Chairman, makapagbigay rin sila social awareness sa araw-araw na kaganapan sa pinakamaliit na yunit ng gobyerno, ang barangay.

 

NAKABABATA PALA ang prutas na strawberry. No wonder ang strawberry ay nakakahiligan ng Hollywood celebrities na bahagi ng kanilang daily diet. May elagic acid pala ito na ang epekto ay magiging mamula-mula ang kutis mo at makinis. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga artista at modelo ngayon ay pagkaganda-ganda ng kanilang kutis.

Pero ang kanilang secret? Hindi na sila kumakain ng napakaraming strawberries dahil bukod sa mabigat sa tiyan, seasonal at mahal pa. Kundi gumagamit ng Rosy Peel Natural Skin Supplement. Dahil ang Rosy Peel ay may all-natural at essential nutrients ng young green strawberry, guava, kamias at bignay na nagpapaputi ng kutis, na nagtatanggal ng dark spots, wrinkle free at pumipigil ng premature aging at skin dryness para maging soft, rosy at healthy ang skin mo.

No wonder nagiging maaliwalas, mamula-mula at napakaganda ang iyong face at kutis, na daily intake ng mga artista ngayon. Rosy Peel, Garantisadong Kaputiang namumula-mula hindi namumutla! Rosy Peel ang secret weapon ng mga artista. Mabibili sa lahat ng Mercury Drug outlets nationwide.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING