Sharon Cuneta, dismayado sa TV5?!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, dismayado sa TV5?!

Sharon Cuneta, dismayado sa TV5?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo!

Aywan ko at walang katapusang aywan kung totoo itong nabalitaan kong chikka na si Sharon Cuneta ay may balak daw lumipat sa dati niyang lungga sa Channel 2. Kasi hindi naman daw maganda ang trato sa kanya ng TV5 at hindi raw nagre-rate ang Kasama Mo, Kapatid.

Ilang buwan na nga namang naka-ere ang show niya, pero wala namang pumapasok na mga commercial, at mula nang lumipat siya sa TV5, wala na siyang gaanong endorsement. Talung-talo na raw ito ni Kris Aquino, at namamayagpag ang rating ng KrisTV, at sunud-sunod ang endorsement na ginagawa ni Kris.

ADVERTISING

Kung gugustuhin naman daw ni Sharon, puwede naman niyang i-revoke ang contract niya at isauli ang pera. Kasi isa naman si Sharon sa mga stockholder ng ABS-CBN.

Mukhang natauhan na si Sharon na malakas pa rin talaga ang hatak ng audience sa Channel 2. Parang naniniwala nga ako. Kasi minsang may dumalaw sa aking balik-bayan from San Fransisco, USA, hindi na raw nila nakikita si Sharon mula nu’ng lumipat ito sa TV5. Tinanong kasi sa akin, kasi ang lagi raw nilang napapanood sa America ay ang KrisTV.

Kung ako ang tatanungin, wala akong masabi sa Kasama Mo, Kapatid. Magada ang show, mga bigatin ang mga panauhin at talagang may topic, at pinag-iisipan ng mga writer. Ang napapansin ko lang, hindi pa nawawala kay Sharon ang pagbe-baby talk. Hindi na bagay sa kanya, ang laki-laki niya at may edad na.

Bakit si Oprah, malaki rin at halos kasing laki lang ni Sharon, pero bongga kung magbitaw ng salita at may drive? Si Sharon, ang lambot at hindi pa rin nawawala ang pagiging iyakin. Minsan naman, tawa nang tawa kahit hindi nakakatawa. Ito dapat ang pag-aralan ni Sharon, kasi sayang. Kung sa talino, hindi sila nagkakalayo ni Kris, o baka mas matalino pa siya. Marami pang ibubuga si Sharon, kung babaguhin lang niya ang style ng pagsasalita.

Sa bagay, hindi lang naman si Sharon ang nababalitaan kong aalis na sa TV5, maging ang sinasabi nilang magaling na artista na wala namang project pagkatapos ng Sa Ngalan Ng Ina, balita rin na kinakausap na rin ang isa sa mga top excecutive ng Dos, kasi nagkabati na.

At ‘di ba dati sina Richard Gomez at Jonh Estrada, ‘di ba balita na nakuha na nila ang down payment, tapos bumalik din sa kanilang istasyon.

Wala ba kayong napupuna sa TV5? Ang mga nagre-rate lang ay mga game show at ang Wil Time Bigtime. Maliban doon, wala na. Samantalang ang daming mabibigat na artista ngayon ng TV5, pero hindi nila makuha ang tamang timpla. Kasi naman, hindi nila alam kung saan isasaksak ang kanilang mga artista tulad ni Lucy Torres-Gomez, ‘di ba? Napuna ko na nu’ng nakaraang araw na bakit pinipilit niyang mag-host ng showbiz. Hindi naman sa kanya bagay, kasi isa siyang public official, congresswoman, parang hindi bagay ang mang-intriga ng kapwa niya artista. At ang kanilang showbiz talk show host ay mga patapon na, na ang isa d’yan ay hindi na pinapatulan ng mga advertiser. Kaya kahit saang ilagay ang oras at araw, walang pumapatol na commercials.

Ito ang hindi nakikita ng management. ‘Yun na!

SPEAKING OF nakikita, kasi nga ang kaibigan kong balik-bayan na dumalaw sa aking program nu’ng nakaraang Linggo sa DZRH.TV, kaloka as in, talagang mabubuwang ka sa Earth!

Kasi ba naman, isa siyang lawyer, take note, nagtanong lang ako kung may nababalitaan siyang beki na artista na pumupunta roon para magladlad, walang kaabug-abog na sinabi niyang si Sam Milby! Shock talaga ako! Kasi ‘yun daw ang tsismis doon na hindi naman daw nag-audition sa Hollywood si Sam. At balitang bading na bading daw ang dating niya roon. Kaloka, ‘di ba! Kayo, ano sa palagay n’yo?

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong actress na ito na hard meldy or it means maldita? Dahil nakakaloka naman talaga at ayaw paawat, na kaya pala walang project ngayon ang babaeng ito ay sobrang maldita niya.

Nakakaloka naman kasi, at kahit sinong makita niya, sinusingitan. Pinipili lang niya ang papansinin. Ano kaya ang gagawin niya kapag naka-hanap siya ng katapat?

Naku, may ka-kilala rin ako na mas maldita sa kanya… pak! Sino siya?

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING