Sharon Cuneta, dismayado sa revival ni Kathryn Bernardo ng kanyang kanta?

Sharon Cuneta, dismayado sa revival ni Kathryn Bernardo ng kanyang kanta?

Sharon-CunetaOBVIOUS NA sina Kathryn Bernardo at Sharon Cuneta ang laman ng blind item lately ng isang sikat na website. The item was about a young singer who revived a song na maiden hit ng isang very popular singer. Madaling nahulaan ng netizens ang identity ng dalawang mang-aawit dahil si Kathryn lang naman ang nag-revive ng Mr. DJ na hit song ni Sharon.

According to the website’s kuwento, when someone told the veteran singer na ni-revive ang kanyang kanta ng isang bagets na singer ay nagpakita naman ng openness ang naunang singer. She even asked for a tape version of the song, merong namang naipakita sa kanya. But to her disgust, nakapagbitaw raw ang singer ng ganito, “What is that?! Sana tinula na lang n’ya! She ruined my legendary song!”

We don’t feel that way. Hindi man kasingganda ng boses ni Sharon ang voice ni Kathryn ay hindi naman boses ng pinitpit na lata ang tinig ng dyowa ni Daniel Padilla.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas