Sharon Cuneta, ‘di pa kuntento sa nabawas na 50 pounds

ADVERTISING

Sharon Cuneta, 'di pa kuntento sa nabawas na 50 pounds

Sharon Cuneta (courtesy of Instagram: sharoncuneta)
Sharon Cuneta (courtesy of Instagram: sharoncuneta)

Sa kanyang Instagram account, ang laki ng ipinayat ni Megastar Sharon Cuneta.

ADVERTISING

Medyo matagal din kasi na walang posting sa kanyang social media account ang singer-actress. The last one was during the campaign season sa mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan na nagbabalik muli sa Senado.

Happy to see Shawie na masaya sa current situation niya. Naka-all smile si Mega na ipinost niya.

Sa kanyang IG posting: “If you know me and have seen the film “Thelma and Louise,” you know I’d be Louise! But that shirt’s in Manila now and I’m not. This was taken this morning. I feel I’ve lost about 50 lbs. now but am still not satisfied. A little bit more to lose and I’ll be back to my pre-Miel shape! Hope you’re all doing well. Lots of love and God bless you!”

ADVERTISING

Napaka-positive ni Mega sa kanyang pananaw ngayon. Nice to see her na nakapagbawas ng almost 50 lbs.

Now that she’s back again with a talent show na pambata sa Kapamilya Network, kung saan isa siya sa mga mentor-judge, nakatutuwang panoorin si Mega on weekends with Lea Salonga and rocker Bamboo.

Napaka-bubbly ni Mega sa mga eksena niya sa show. Natural na natural. Very “Nanay” kapag may mga bata na hindi nakapapasok sa criteria nila na awang-awa siya at inaalo ang mga batang mangiyak-ngiyak dahil talunan.

Sa muling pag-eeksena ni Mega sa naturang show, swak na swak sa kanya ang kids show na ‘yun.

Sa katunayan, bagay sila nina Lea at Bamboo as a team sa naturang bagong season ng palabas.

Konti pa. More effort pa. Mga less than 10-15 lbs. pa ang ibabawas Shawie at oks na oks na at balik na siya sa dating figure niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING