Sharon Cuneta, ‘di kayang panindigan ang P10-M na reward?!

ADVERTISING

Sharon Cuneta, ‘di kayang panindigan ang P10-M na reward?!

Sharon Cuneta, ‘di kayang panindigan ang P10-M na reward?!KUNG KAMI kay Sharon Cuneta, pinanindigan na lang din niya ‘yung tweet niya tungkol sa challenge niya na bibigyan niya ng P10M ang sinumang makapagpapatunay na nangurakot nga ni singko ang kanyang mister na si Former Sen. Kiko Pangilinan sa 12 years nitong pagiging public servant with matching hihiwalayan din niya ito.

Dahil lalo siyang na-nega sa social media nu’ng ang mga tweet posts niya ay tinanggal niya. Na kahit naman tinanggal niya ay na-screen grab na ng iba at ni-retweet o ni-repost. Meron pa kaming nabasang “So hindi sincere si Sharon? Umechos lang siya?”

At me nabasa pa kaming, “Baka naibigay na ni Sharon ang P10M kung kanino, dahil natalo siya sa challenge?”

Well, me mas malalala pa diyan, pero hindi na para banggitin pa namin dito.

ADVERTISING

Moral of the story: esep-esep muna bago mag-post o kaya ay magpahupa muna ng galit ng isang araw bago mag-post. Otherwise, panindigan kung ano ang ipo-post.

 

Sharon Cuneta, ‘di kayang panindigan ang P10-M na reward?!NAKAKALOKAH PALA ang budget ng Kung Fu Divas nina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, ‘no? Ang tsika sa amin ay umabot ng P60-M ang kabuuang budget nito, puwera pa ang mga trailers and teasers sa TV. Eh si Direk Onat Diaz pala na one of the producers (aside from Mareng Ai-Ai at Marian) din ay humugot na rin sa sarili nitong bulsa ng “extra” para lang mapaganda ang pelikula.

Ang alam namin dito, 50-50 ang hatian ng produ at ng Star Cinema na siyang magdi-distribute ng pelikula. Maging ang TV at video rights nito ay ang ABS-CBN na rin ang may-ari. ‘Yun lang ang pagkakaalam namin, ha?

Pero base naman sa trailer na napanood namin, mukhang promising itong Kung Fu Divas. Kaya sana marami ang manood at tumabo ito sa takilya para naman may kasunod na trabaho ang maraming maliliit na tao sa industriya.

 

Young actor, nabidyuhang humahada!

 

BLIND ITEM: “Mga 10 seconds lang po ‘yung sex video. Kitang-kita po ‘yung mukha nila pareho.

“Kita ang buo nilang katawan. hubo’t hubad sila pareho. Panakaw ‘yung pag-video ng friend ko, eh. Hindi siguro alam ‘yon ni ________.”

Ang “fill in the blank” na tinutukoy ng kaibigan ko ay si ano… ahm… si… tawagin na lamang nating si Young Actor (YA).

“Bini-BJ po ni YA ‘yung kaibigan ko. Tapos, kinukunan nito ng video sa celfone niya.”

Bakit ipinakita sa kanya?

“Wala lang po. Gusto lang niyang iyabang na ikinama daw siya ni YA.”

At ang 64-million dollar question ng bagets na source ko, “Bakla po ba si YA?”

Eh, juice ko, alangan namang sagutin ko ‘to ng, “Ah, eh… hindi. Trip lang niyang kumopas.” Kaya tawa na lang ang naisagot ko sa kanya.

Honestly, naniniwala ako sa friend ko, dahil ang tsika pa nito eh, “Kitang-kita naman po ang mukha niya saka ‘yung friend kong ka-partner niya na kaklase niya sa college.

“Pero sabi po ng friend ko sa akin, last year pa daw ‘yan nangyari. Gusto niya kasing i-prove sa akin na bakla talaga si YA.”

Viral na ba ‘yung video?

“Sabi niya sa akin, hindi naman daw niya ikakalat, eh! For personal file lang daw niya po.”

“Naku, pakisabi naman sa kanya, baka puwedeng burahin na niya bago pa mawala ‘yung celfone niya.”

“Sige po, sabihin ko po!”

Kung si Young Actor ay nabidyuhan sana na siya’y nagpapahada, medyo okay na rin kahit dapat ay pampribado lang ‘yon, eh. Ang kaso, siya ‘yung nakuhanan na humahada at hindi pa naman siya ganap na umaamin kahit hindi mamatay-matay ang isyu sa kanyang gender preference. Hindi ko alam kung “lover” niya ‘yon o nag-trip lang silang magkaklase.

But despite the rumor na bading siya, andami pa ring nag-iilusyong bading sa batang ito na maikama lalo na’t araw-araw siyang napapanood sa teleserye.

Naku, ‘pag lumabas talaga ‘tong sex video na ito, tiyak na “impiyerno” ang dating nito sa kanya at sana’y ‘wag naman siyang atakihin sa puso.

At sana nga, ‘wag nang topakin si “lover” na i-upload pa ito, dahil wawa naman ang Young Actor.

Sana nga, “magdasal” si Young Actor na ‘wag siyang gaguhin ng lalaking ‘yon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING