Sharon Cuneta, dapat nang iwasang kantiin si Piolo Pascual

ADVERTISING

Sharon Cuneta, dapat nang iwasang kantiin si Piolo Pascual

Sharon Cuneta, dapat nang iwasang kantiin si Piolo PascualNGAYONG MAGSISIMULA na ang unang programa ni Sharon Cuneta sa TV5, mahihinto na rin ang pang-iintriga sa kanya, na diumano’y wala siyang pinagkakaabalahan sa showbiz, kaya nakahumalingan niyang patulan ang mga kakontra niya sa Twitter. Pero s totoo lang, tsikadora ang Megastar, kaya hindi mo maiaalis sa kanya ang magkuwento kaya sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, mayroon siyang mga makakabangga.

Kapag nagsimula si Sharon na harapin ang kanyang mga isyu, tinatapos naman niya iyon, para nga hindi na paulit-ulit ang pag-atake sa kanya ng mga intriga. Kaya lang, isa sa mga ikinalulungkot ng Megastar na patuloy na ibinibintang sa kanya, ay ‘yung nakakainis daw na tsismis, na diumano’y anak ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa ibang babae ang batang lalaki na kanyang inampon, at iyon daw ay tinanggap ng mommy ni KC Concepcion, para hindi na lang diumano maulit pa na maranasan niyang muli ang makipaghiwalay sa asawa, katulad ng sinapit nila noon ni Gabby Concepcion.

Importanteng artista sa showbiz si Sharon. Maraming nagmamahal sa kanya, kaya opinyon ng mga nagmamalasakit kay Shawie, isa raw sa dapat na rin niyang iwasan ay ang medyo magkaroon pa siya ng maanghang at pahapyaw na pagkanti kay Piolo Pascual, dahil katulad niya, si Piolo rin ay walang ipinakisamang masama sa mga taga-showbiz, kaya maraming nagmamahal at nagtatanggol sa binata kapag mayroong tumitira sa guwapong aktor. Alam na ngayon ng Megastar, dahil naranasan na niyang kantiin din siya ng mga taong palihim na nagtatanggol sa ex-boyfriend ni KC.

 

ADVERTISING

BLIND  ITEM: Hindi na rin lihim ngayon sa kalakaran ng showbiz, na ang mga artista ay hindi na lang basta tinitingala, hina-hangaan, pinapalakpakan, tiniti-lian at pinapanood sa kanilang mga pagpapamalas ng talento halimbawa’y sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte. Dahil likas na magaganda at guwapo ang mga artista, kaya kung sila’y pinagpapantasyahan ng kanilang mga tagahanga, kakambal na niyan ang tanong: Magkano sila kung ikakama?

Hindi naman pupuwedeng magmalinis at hindi matuksong maibugaw ang ibang mga artista, dahil kapag wala silang raket sa showbiz ay gutom ang aabutin nila. Mayroong mga artistang napepresyuhan, pero mayroon namang mga baguhang umeentra sa showbiz na ayaw talagang magpa-booking at nagtitiis na lamang sa barya-baryang talent fee na kanilang natatanggap. Katulad na lamang ng baguhang singer, na tawagin natin sa pangalang Paul Justin.

Isang matronang galing sa nakariri-wasang pamilya ng mga pulitiko sa isang malayong probinsiya ang nagkagusto kay Paul. Ang mga kaluluwang-gala sa showbiz na umeeksena ng pagbu-booking ay umeksena kay Paul para naman magkapera siya, dahil hindi pa naman siya sikat na sikat. Pero malakas ang dating ng kanyang sex appeal, tsinito kasi siya, na sobrang makinis at malinis ang kutis, na parang laging bagong paligo sa bango ng kanyang halimuyak.

Kuwento ng mga babaeng naka-sex ni Paul, ay malaki raw ang hinaharap ng kanyang kaligayahan, at makinis nga ang buong katawan kapag nahubaran. Nalungkot ang mga nagtangka na ibugaw si Paul, dahil sa halagang five hundred thousand na ibabayad sa kanya ay ayaw niyang magpa-booking. Nagtitiis talaga siya kung magkano lang ang kinikita niya ngayon sa pagkanta-kanta. Pero kapag nakikita si Paul ng mga bugaw ay napapailing sila pero naroon ang pagrespeto na mayroon palang mga kabataan ‘tulad ni Paul, na hindi natutuksong ikalakal ang katawan para lang kumita ng easy money.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING