Sharon Cuneta at Claudine Barretto, ‘di na p’wedeng mag-demand sa Dos

Sharon Cuneta at Claudine Barretto, ‘di na p’wedeng mag-demand sa Dos

Sharon-Cuneta-Claudine-BarrettoNOW THAT Claudine Barretto has crawled her way back to ABS-CBN, i-enjoy pa rin kaya niya ang mga perks that she was once showered with?

Matulad din kaya si Claudine kay Sharon Cuneta, na sa kanyang pagbabalik-loob sa Kapamilya Network, she had to loosen up a bit like compromising her demands sa ngalan ng trabaho?

Yes, both Sharon and Claudine are queens no more, now relegated to lower ranks in the royal hierarchy. Which we believe should be the case, after all.

Sa kaso ni Sharon who used to host a self-titled show, ngayon ay inihalo na lang siya among the lesser minions. Si Claudine naman noon na bumibida sa mga teleserye ng Dos couldn’t demand a meatier role that does not befit an erstwhile prime star.

So as not to find themselves in the hazy limbo, walang choice sina Sharon at Claudine to accede to the terms na itinakda ng istasyon much to their resistance.

 

CLOSE TO real life ang hatid ng Ismol Family this Sunday as it’s Ryan Agoncillo’s birthday. Kaarawan din kasi ng kanyang karakter na si Jingo, at sinabi ni Majay na walang celebration this year.

Tuluyan na bang magiging malungkot ang birthday ni Jingo dahil sa katipiran ni Majay? O may sorpresa ulit si Majay sa kanya? Ano naman kaya ‘yon?

Samantala, nagtinda ng toasted siopao sina Yakki at Krippy with the help of Ethan. Kakumpitensiya pa nila ang “bekiry” ni Majay dahil sa tapat pa nila pumuwesto. Siyempre galit sina Yumi at mga girls. Will this destroy the friendship between the boys and the girls?

Dahil busy si Majay, nire-assign niya si Lora na mag-alaga kay Jingo. Ano kaya ang mangyari sa bagong trabahong ito ni Lora?

May narinig namang nangyayari sa kuwarto ni Mama A si Jingo. Nagpasok ng malaking kahon si Bobong. Ano kaya ang laman ng kahon? Ano naman ang pinagkakaabalahan nina Mama A, Lance at mga kasama nila sa bahay?

Abangan ang Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III