Sharon Cuneta, botong-boto sa French suitor ni KC Concepcion

ADVERTISING

Sharon Cuneta, botong-boto sa French suitor ni KC Concepcion

Sharon Cuneta, botong-boto sa French suitor ni KC Concepcion

NAKAUSAP NAMIN nang personal si Sharon Cuneta sa “American Heritage Campus Kitchen Battle” at the Music Hall of SM Mall of Asia. Nagsama-sama ang mga aspiring student chefs from top colleges (University of Santo Tomas, Trinity  University of Asia, FEU; UE Caloocan and St. Paul University in Quezon City) in the metro to perform a cooking showdown.

Anong masasabi ni Sharon sa bagong manliligaw ni KC Concepcion na si Pierre Emmanuel Plassart  (known internationally, particularly in the US and Europe, writer, director and photographer)?

“Si Pierre, napakadisenteng tao. Alam mo ‘yan, nagpakilala sa amin nang matino. We met him, sa akin siya unang lumapit, hindi kay KC. Very well-breed, very well-raised, grew in France but we met him in the States and then, she take care of KC very well. Tapos tine-text niya kami ni Kiko (Pangilinan), ‘yung nagpapaalam, nagpapasalamat. Very well-raised boy. ‘Yung bang hindi ka na mag-aalala. Ang hinihintay ko na lang na magdesisyon ay si KC. Ako, nakapag-decide na. Hahahaha! Sa lahat ng ipinakilala sa akin ng anak ko, si Pierre ang favorite ko,” pagmamalaking kuwento ng Megastar.

ADVERTISING

Pakiramdam ni Sharon, hindi pa ready si KC na magka-boyfriend uli. “Hindi pa, kaya nga ako okay na. Siya, hindi pa okay. I think, she’s taking things slow. Alam mo, whatever happen to KC na nakasakit sa kanya ay nakabuti sa amin, sa family namin. Sa relationship namin and  then she met Pierre. She met other people also, marami namang umaakyat ng ligaw, hindi naman mawawalan ‘yan. Pero among all of them talaga, I’m so sorry, everyone was nice pero si Pierre ‘yung favorite ko, kasi magalang sa amin. Magalang sa aming pamilya, nagbibigay din ng oras pati sa maliliit na mga anak ko. I met his mother kasi, we met in an event in the States. Sa akin siya una, he introduce himself to me first,” pahayag niya.

Comment ni Sharon sa controversial issue tungkol kay Senator Tito Sotto.

“Kung ako ang tatanungin, it all came from a place na in good intention. Mayroon lang strict sa rules ng plagiarism na hindi mo naman sila masisi. I would rather focus on his message kahit pa hiniram niya. After all, sa akin kasi, those words naman we’re meant for the whole world to refer to kahit wala na ‘yung original na nagsabi who was JFK, ‘di ba? Ako, basta I understand where they we’re coming from, kasi nakita ko ‘yung pinsan ko noong mamatay. He was a baby and he was incubated for a long time. Pre-matured kasi, so I know, masakit na masakit kay daddy ‘yun, kay father. So, focus na lang on the message no matter who said it. He said it lang again, parang ganu’n,” paliwanag ni Mega.

Sinabi ni Sharon na willing siyang gumawa ng indie film pero kailangan muna niyang magpapayat. “I’m very very open to indie film but of course, I have to loose weight. In fact, I have a movie, I am starting to shoot in the first quarter of next year so, I can’t talk about it pa. But I’m starting already to go back on my routine, my diet routine and some exercise. I’m very excited so, I want to get there,” tsika nito.

Excited ding ikinuwento ng Megastar ang album na gagawin niya for this year under Viva records.

“I’m recording soon, I have songs collected. We we’re waiting for songs, I ask my friends for songs. Makikita na lang ninyo kung sinu-sino ‘yan. Tapos, it’s gonna be new album under Viva Records, balik bahay ako. Abangan ninyo, this year lalabas po ‘yan before Christmas. I’ll promise you, mamadaliin ko pero magandang quality. Hahahaha!” excited na tugon ni Sharon Cuneta.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING