Sharon Cuneta, balimbing daw

ADVERTISING

Sharon Cuneta, balimbing daw

Sharon-CunetaMARAMING NAG-REACT sa biglang pagiging maka-Nora Aunor ng Megastar na si Sharon Cuneta na noon pa man ay very vocal na sa pagsasabing isa siyang Vilmanian (Vilma Santos).
Tsika nga ng iba na mukhang bumabalimbing daw ang Megastar simula nang panigan ito at ipagtanggol ng Superstar na dapat daw ay karapat-dapat din itong mapasama sa bibigyan ng award bilang Queen of Showbiz sa katatapos na FAMAS.
Maalalang ‘di napasama ang pangalan ni Sharon sa binigyan ng Icon Queen of Showbiz sa FAMAS 2015 at dahil sa naging pahayag ng nag-iisang Superatar, bigla-bigla na lang itong nagsabi na isa siyang Noranian.
Kaya naman ‘di naiwasang magtaas ng kilay ang ibang nakaaalam na true-blooded Vilmanian ito noon pa man. Kaya naman ‘wag nitong i-claim na isa siyang Noranian dahil hindi naman daw ito ang totoo. ‘Yun na!

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING