Sharon Cuneta, babalik sa Dos?

ADVERTISING

Sharon Cuneta, babalik sa Dos?

Sharon-CunetaGINULAT NI Sharon Cuneta ang showbiz industry sa post niya last Friday night sa kanyang Twitter at Facebook accounts na nakasaad ang mga katagang, “Sharon Cuneta is no longer with TV5.”

Kasama nito ang caption na: “I’m going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think! So keep watching out for those clues. Goodnight, everyone! Sweet dreams and May God bless you always! In the meantime, I leave you with this Big announcement.”

Kamakalawa naman, nagbigay ng official statement ang TV5. It read: “TV5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being a part of the Kapatid Network for three years. The network wishes her well in all her future endeavours.”

Natural ang susunod na tanong ng masa, lalo na ng kanyang fans, ay kung saang istasyon siya lilipat. Babalik ba ang Megastar sa ABS-CBN? Or bagong istasyon naman ang kanyang susubukan – ang GMA 7? Puwede ring maging freelancer na lang siya?

ADVERTISING

Ang sigurado, sa pag-alis ni Shawie sa TV 5 ay pagtigil na rin ng sitcom nila ni Richard Gomez. We heard, nakapag-taping na sina Sharon at Goma ng kanilang sitcom, pero bigla ngang natigil na kinumpirma ni Elizabeth Oropesa na kasama sana nila sa sitcom.

Sa paglayas ni Sharon sa TV5, siguradong wala nang pag-asang matuloy pa ang sitcom nila ni Goma sa Kapatid Network. Mabuti na lang, may ibang project na ginagawa rin si Goma sa TV5, ang Quiet Please, Bawal Ang Maingay!

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING