Sharon Cuneta at Helen Gamboa, Nagkabati Na!

Sharon Cuneta at Helen Gamboa, Nagkabati Na!

Sharon Cuneta at Helen Gamboa, Nagkabati Na!
MGA KAPATID, i-lang pamangkin, asawang si Sen. Tito Sotto, mga anak at mga apo, mga amiga at ilang showbiz friends at ang mga bossing ng ABS-CBN ang dumalo sa pa-birthday dinner ni Tita Helen Gamboa-Sotto sa mismong taping ng Walang Hanggan last Monday.

At nakakatuwang ma-

laman na halos lahat ng um-attend ay addict sa panonood ng number one primetime teleserye ng ABS-CBN, kaya aliw na aliw ang mga cast na naroroon tulad nina Coco Martin, Julia Montes, Rita Avila, Richard Gomez, Dawn Zulueta at Ms. Susan Roces.

Kinumpirma ni Donya Margaret, este, Tita Helen na textmates na sila ng kanyang pamangkin na si Sharon. “I miss you, my mama!” daw lagi si Sharon sa kanya sa text sa kanya. “Sinasagot ko rin naman ang bawat text niya sa akin. Happy na ako, at isa sa mga araw na ito, mag-uusap kami, dahil two years naman kaming hindi nag usap, Ogie.”

Nagpasabi rin daw ang Megastar na hindi ito makakarating sa kanyang dinner party sa set ng Walang Hanggan, dahil me two to three tapings pa raw ito ng kanyang bagong show sa TV5.

“Okey na rin ‘yon, Ogie. After all, mahal ko pa rin naman ‘yan at pamangkin ko ‘yan. Ako na ang nagpalaki d’yan at itinuring kong tunay na anak, alam naman niya ‘yan.”

So, all’s well that ends well, ‘ika nga.

 

ALAM NAMING parehong may mali at katwiran ang magkabilang kampo: Mon Tulfo at mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Hindi para may kampihan kami sa alinmang kampo, dahil unang-una, wala naman kami sa pinangyarihan para magmahadera.

Nalulungkot lang kami para kay Claudine Barretto sa resulta ng poll na ginawa namin sa Twitter. Kung kanino sila mas panig at naniniwala.

Ba’t ganon? Ang madalas naming mabasa sa twitter ay ang pangnenega kay Claudine? Bakit parang hindi ma-convince ni Claudine sa kanyang mga kuwento ang “audience”? ‘Yung iba’y binalikan pa ang mga dating isyung kinasangkutan ni Claudine mula pa nang siya’ y dalaga hanggang sa makapag-asawa.

Pati ‘yung pagkamatay ni Rico Yan ay kay Claudine pa isinisisi. Sino rin daw ang makakalimot sa banat niya kay Angelica Panganiban na sasabuyan niya ito ng asido sa mukha? ‘Yung pagwawala niya sa bangko nang hindi siya maka-withdraw ng limang milyong piso dahil inunahan siya ng asawa niyang kumuha ng pera?

Bakit nga ba kahit nananahimik na si Claudine at tumamlay ang kanyang career mula nang siya’ y umalis sa ABS-CBN ay hindi na siya natahimik sa intriga? Ilan lang ito sa mga dahilan kumbakit ang hirap nang papaniwalain ang mga tao kung naniniwala pa sila sa argumento ni Claudine kaugnay ng NAIA 3 brawl.

Tapos ang nakakalokah pa, wala man lang nag-tweet na, “No, hindi magagawa ni Claudine na i-verbal abuse ang kahit sino, dahil mabait siya.”

Kaya kung ako ang adviser ni Claude, I will just let Raymart do the talking, dahil si Raymart ang walang masyadong isyu at buo pa ang kredibilidad para mas marami ang maniwala.

Pero feeling namin, one of these days, magkakaayos din ang mga Tulfo at Santiago.

Hindi lang namin gusto ang tabas ng dila ng non-showbiz na misis ng lalaking naka-pink na bumugbog kay Mon. Ang sabi nito sa interbyu, “He just deserved it!”

Juice ko, paano kung me patalim ang asawa niya at sa sobrang  galit eh, sinaksak nito si Mon at napatay? ‘Yun pa rin kaya ang idadayalog niya?

 

KAPWA MAY kontra-demanda sina Raymart-Claudine at Mon Tulfo sa isa’t isa. Pero feeling namin, magkakaroon din ito ng amicable settlement. Pareho naman silang nasaktan at nagkasakitan, kaya patawaran na lang ‘yan.

Pero medyo nagtaka lang kami du’n sa child abuse na isinampang kaso nina Raymart keTulfo, dahil ang rason nito ay nag-cause ng trauma sa kanilang anak ang insidente.

Karapatan naman ‘yon nina Raymart, pero sana, pinag-isipan nila itong maigi, dahil kung trauma rin lang ang kanilang nire-raise na point ay bahagi sila ng trauma ng bata. Sila ang kitang-kita ng kanilang anak na bumubugbog sa nakahandusay nang si Mon Tulfo.

Naging bahagi sila ng pagpapakita ng maling halimbawa sa kanilang anak. So, nasaan doon ang child abuse? Or i-rephrase natin: Inabuso ba ni Mon ang kanilang anak?

Gusto naming intindihin ang mga pinanggagalingan nina Raymart at Claudine at sana nga, ha-ngad na lang namin na merong mag-mediate sa dalawang kampo para magkaayos na.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleGerman Moreno, Nabastos ni Elmo Magalona?!
Next articleSa isyu ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz Shaina Magdayao, nilinis ang pangalan ni Angelica Panganiban