Sharon Cuneta, ang laki na ng nabawas sa timbang

Sharon Cuneta, ang laki na ng nabawas sa timbang

Sharon-CunetaPUMAYAT NA si Megatar Sharon Cuneta. Nakita ko ang latest photo ni Mega sa birthday celebration ng executive secretary-cum bestfriend ni Mega na si Sandy Santamaria.

Kinulit namin si Sandy kung kamusta si Sharon. Maikling sagot nito, “She’s ok.”

Kailan siya babalik sa showbiz,. “Very soon,” tsika ni Sandy sa amin sa Facebook communication namin sa kanya.

In fairness, ang laki ng nabawas sa timbang ni Mega since nag-decide siya na magbalik-showbiz.

Wala mang kumpirmasyon kung kailan ang “The Great Comeback” ni Mega, pinabulaanan niya ang tsika na gagawin niya ang life story ng Pork Barrel Queen na si Janet Napoles, which for us is a bad project para sa kanya na balita pa nga ay si KC Concepcion ang gaganap bilang anak ni Janet.

Kung ako kay Shawie, why not do a project na sila ni KC ang mga bida. Basta ako, hindi ako kumporme na sa muling pagbabalik-showbiz niya ay isang nega character ang ipo-portray niya.

I love Shawie and I want her to be back in showbiz soon.

Reyted K
By RK VillaCorta