Sharon Cuneta and Aga Muhlach reconcile?

Sharon Cuneta and Aga Muhlach reconcile?

Sharon Cuneta and Aga Muhlach reconcile?NAKAKATUWA ANG GINAWANG gesture ng Megastar na si Sharon Cuneta nang makita n’ya sa backstage ang manager ni Aga Muhlach na si Tita Ethel Ramos sa ginanap na birthday celebration ng TV5 big boss na si Manny V. Pangilinan na kilala rin bilang MVP.

Nagkatampuhan sina Ate Shawie at Tita Ethel, dahil sa matatandaang tampuhang namagitan sa una at sa alaga ng huli na si Aga.

Agad pinuntahan ni Ate Shawie at niyakap nang napakahigpit sabay hinalikan si Tita Ethel pagkakitang-pagkakita nito sa huli.

Humingi diumano ng pasensiya ang aktres-singer-TV host kay Tita Ethel sa mga nangyari noon sa kanila.Walang nasabi ang manager ni Aga kay Ate Shawie kundi, “parang anak na kita,” at tila naiyak na lang din at natuwa sa pagpapakumbabang ginawa ng Megastar sa kanya.

Ang nakakatawang parte ng kuwento ay ang ‘di sinasadyang pagkasira ng isang lente ng eyeglasses ni Tita Ethel sa higpit ng yakapan nila ni Ate Shawie.

Present din sa okasyong ‘yon si Aga, kung saan sabay pa silang nag-perform ng Megastar sa harap ni MVP at mga empleyado nito sa lahat ng kanyang kumpanya.

Mapapansing okey na okey na ang dalawa at talagang naibalik ang kani-lang dating pagkakaibigan. Kapansin-pansin din ang malaking ipinayat ng dalawa.

 

MUKHANG ‘DI NA nga mapigilan ang pagsikat ngayon ng the first grand winner of Star Power na si Angeline Quinto.

Patunay ay nang mag-sold out ang katatapos na first major concert ni Angeline sa Sky Dome sa SM North Edsa last friday night, kahit na hindi iyon kalakihan na venue.

Kahit sa amin ay mara-ming nagtatanong last week kung may mabibilhan pa rin ng tickets.

Marami ang nagsasabi sa amin na tila todo-todo ang ginagawa ng ABS-CBN sa pag-groom o pag-build up kay Angeline.

Dahil sa dami ng nakakapansin n’yan, marami ang nagtatanong ngayon kung sadyang hinahanda na ba raw ng Kapamilya Network si Angeline bilang kapalit ni Sarah Geronimo, kung saka-ling magpaalam na ito sa bakuran ng Dos at lumipat sa kalabang istasyon, partikular sa TV5.

May mga naririnig na rin kasi kaming alingasngas na hinihintay na lang diumano ng talent management ng Pop Princess na magtapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Matapos umano nito, maaari na diumanong makalipat ng Kapatid Network si Sarah.

So gaano kaya katotoo ang usap-usapang ito?

Posible kayang this early ay may pag-uusap nang nagaganap sa pagitan ng TV5 at namamahala ng karera ni Sarah?

Tungkol naman sa ikatlong pelikula na pagsasamahan sana muli nina Sarah at John Lloyd Cruz, mukhang malabo pa rin yata itong mangyari, dahil may nakapagsabi sa amin na kailangan talagang kumbinsihing mabuti diumano ang una at ina nitong si Mommy Divine para tanggapin ang movie project.

Franz 2 U
by Francis Simeon