Sharon Cuneta, aminadong may ‘di pagkakasundo kay KC Concepcion

Sharon Cuneta, aminadong may ‘di pagkakasundo kay KC Concepcion

KC-Concepcion-Sharon-CunetaSA PANAYAM kay Sharon Cuneta sa The Buzz last Sunday ay sinagot ng Megastar ang isyung hindi raw sila nagkakasundo ng anak na si KC Concepcion.

Sabi ni Sharon, magkaiba raw sila ng anak at dahil nasa wastong edad na si KC, hindi na raw siya nagtatanong or nagbibigay ng unsolicited advice, lalo pa nga raw at independent woman na ang anak.

Ang problema lang daw siguro ay baka nasobrahan lang ang pagiging independent ng anak.

“As a mother, you want the best for your child. So, you give advice, because you’ve been there and you’ve done that. Some things, you see coming, ‘di ba?” say ni Sharon.

Pero hinihintay raw niya na lumapit ang anak at humingi ng advice. Lagi naman daw silang nagkikita at open ang communication nila.

“I have to say we open up to each other. I was crying to her about some things that mostly about life not about her personally,” pahayag ni Megastar.

Walang masabi si Sharon kung nabanggit daw ba ni KC sa kanya that she’s broken up with Paulo Avelino dahil hindi nga raw kasi nag-o-open up sa kanya ang anak pagdating sa lovelife nito.

“Kasi alam niya, naa-affect ako. Saka siympre, kunwari may LQ or something, minsan she won’t even tell she’s with someone. Minsan malalaman ko na lang, break na lang, break na pala. ‘Ah nag-on ba kayo?’ Ganyan, alam niya ‘yan,” tsika pa ng Megastar.

“I’m just being honest. I love her to death but we’re very different in a lot of ways,” aniya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo