Sharon Cuneta, aliw na aliw sa bagong show

Sharon Cuneta, aliw na aliw sa bagong show

Sharon-CunetaHAPPY SI Sharon Cuneta sa pagbabalik ABS-CBN. Agad-agad siyang isinalalang bilang hurado sa Your Face Sounds Familiar with Gary Valenciano at Jed Madella sa bagong show ng Kapamilya Network. As always, aliw na aliw ang Megastar sa katatawa sa mga celebrity contestant na nag-perform sa kanilang harapan tulad nina Jolina Magdangal, Jay-R, Karla Estrada, Melai Cantiveros, at iba pa.

Super aliw kami kay Melai nang mag-perform na naka-look alike ni Nora Aunor sa harap nina Garry V., Jed, at Sharon. Hindi lang sineryoso nito ang pagkanta, naging comedy tuloy ang dating ng comedienne sa viewing public pati na rin sa mga judges.

Magaling ang performance ni Karla na nag-ala Sharon Cuneta outfit nang awitin nito ang Bituin Walang Ningning. Kuhang- kuha ng singer-actress ang style ni Mega habang kumakanta ito. Mukha lang mas payat si Karla compared sa katawan ni Sharon. Pati nga boses niya mas mataas ang pagkakakanta ng classic song ng Megastar.

Sure winner ang Your Face Sounds Familiar sa madlang pipol. I’,m sure hahataw ito sa rating. Very entertaining,n ag-enjoy talaga kami sa panonood. Sa totoo lang, gusto lang naming silipin ang Megastar kung pumayat na nga ito. Inupuan na namin hanggang matapos ang show. Next week, aabangan namin ang mga susunod na kaganapan sa mga celebrities kalahok, sino kaya sa kanila ang magpapaalam na ?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield