Sharon Cuneta, 5 years ang kontrata sa tv5!

HINDI NA TALAGA mapipigilan pa si Sharon Cuneta para lumipat sa TV5. Plantsado na ang lahat at maayos ang naging pag-uusap nina Vic del Rosario at ni Manny Pangilinan tungkol sa kontrata ng Megastar sa Kapatid Network. Five years contract ang pipirmahan niya sa TV5. Next week, nakatakdang pumirma ng kontrata si Sharon, ayon sa aming reliable source na taga-TV5. Maging sa loob ng kanilang bakuran, maiinit na pinag-uusapan ang pag-ober da bakod ni Megastar. May magawa pa kayang paraan ang ABS-CBN para pigilan si Sharon ?

Maganda ang naging offer ng Kapatid Network kay Sharon. Bukod sa sobrang laki ng TF, pang-primetime pa ang magiging show niya sa nasabing network, Monday to Friday na pang-hapon. Pinagsamang Oprah at Ellen Degeneres ang magiging tema ng show, tsika pa ng aming source. May reality show pa ring gagawin ang singer-actress sa TV5 na sila ni Boss Vic ang producer under Mega Productions.

SERYOSO ANG GINAGAWANG pag-build-up ng Kapamilya Network sa baguhang si Xian Lim para maging  loveteam ni Kim Chiu. Last Tuesday, sa My Binondo Girl, ipinakita ang music video ng binata na kumakanta habang nagpi-piano. Flashback ang Iba’t ibang romantic scenes nila ni Kim para may kilig nga naman sa mga fans nina Kim at Xian. Angat na angat nga-yon ang character ng hunk actor compared kina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli na tipong nawawala yata sa eksena.

Tinanong namin si Jolo kung totoong nagpaparamdam na nga si Xian kay Kim? “Mas madalas silang mag-usap ngayon dahil palagi silang magkaeksena. Wala naman akong napapansing kakaiba sa ikinikilos nilang dalawa. Wala ring sinasabi sa akin si Xian tungkol kay Kim. Well, hindi natin alam baka naglilihim lang sa akin si Xian sa tunay niyang nararamdaman kay Kim. Ayaw ko namang bigyan ng malisya ang maganda nilang samahan sa isa’t isa,” say ni Jolo.

Kapansin-pansin din ang kakaibang glow sa mga mata ngayon ni Kim. May nararamdaman na kaya ang dalaga tuwing may mga nakakakilig na eksena sila ni Xian? Paano naman ang mga sweet moments nila ni Jolo in the past na mula sa pagkabata, may lihim na itong pagtatangi kay Kim sa nasabing teleserye? “Walang imposible kung dumating ang time na ma-develop siya kay Kim. Sino ba naman ang hindi mai-in love sa kanya? Bukod sa napakabait at napaka-sweet, mahusay pa itong makisama sa kapwa niya artista. Hindi ko alam kung hanggang saan hahantong ang friendship na mayroon kami sa ngayon. Let’s wait and see…” matalinhagang wika pa ng aktor.

HATAW SA TV rating ang pilot episode ng Toda Max, ang pinakabagong pampamilya sitcom na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Pokwang at Vhong Navarro with special guest star Angel Locsin. Ayon sa datos ng Kantar Media noong November 5, Sabado, agad na nakakuha ang Toda Max ng 26% na TV ratings, laban sa 19.6% ng isang current affair program at 8% na isa ring comedy show sa mga kalabang istasyon.

Tinanghal din ang Toda Max bilang pangalawa sa pinakapinapanood na programa sa buong bansa, kasunod ng MMK na nakakuha ng 29.3 %. Kasunod ng nasabing sitcom ay iba pang top-rating na programa ng Kapamilya Network na Junior Master Chef Pinoy Edition (23.7) at Wansapanatym (20.7).

Masaya si Robin sa naging resulta ng kanyang bagong sitcom. Maliban sa nakakatawang tagpo sa unang episode, kinapulutan din ito ng aral kaya walang dudang pumatok ito sa masang Pinoy. Maraming nakatutuwang pangyayari ang magaganap kina Robin, Vhong, Pokwang at Angel Locsin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articlePhoemela Barranda, tibo ang bagong dyowa?!
Next articleLuis Manzano, kinumpirmang GF na si Jennylyn Mercado!

No posts to display