Sharon Cuneta, ‘di pa handang makasama si Gabby Concepcion sa isang project

ADVERTISING

Sharon Cuneta, ‘di pa handang makasama si Gabby Concepcion sa isang project

Sharon Cuneta, ‘di pa handang makasama si Gabby Concepcion sa isang projectMUKHANG MAGKAKAROON NG problema ang kontrata ni Sharon Cuneta sa TV5, kung saan ay kikita siya ng 1 billion pesos sa loob ng limang taon. Hindi financial ang usapin ng problema kundi ang posibleng pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion.

Ayon sa kampo ni Sharon, hindi pa raw talaga handa ang Megastar na makasama sa isang movie ang dating husband, habang ang kampo ni Gabo ay ganu’n din. “Five years pa naman, baka bago matapos ‘yung time na iyon ay magkasundo na ang dalawa at makapagdesisyon silang magsama na in one project,” pahayag sa amin ng isang taong malapit sa aktres.

Sa kabilang banda, itinanggi ni KC Concepcion ang balita na matapos lumipat ang kanyang ina sa TV5 ay kasunod na siya. Tinangka naming kausapin si KC, pero mas-yadong mga maldita at hidhid ang mga taong nakapaligid sa aktres kung kaya’t ipinagkait nitong makausap namin ang dalaga.

Ang babaeng payat na kulot, imagine kaharap na namin si KC na willing makipag-usap, sukat ba namang sabihing kailangan daw ang aktres sa stage at hindi pa tapos ang program. So nagbigay-daan naman kami. Pero ang nakakaloka, bigla na lang nilang itinakbong papalayo sa amin si KC at nagmamadaling umalis kaya ang ginawa ng Pinoy Parazzi ay habol to death.
Mula sa tumatakbong si KC, aming napag-alamang masaya siya sa pag-lipat ni Sharon sa TV5. “Masaya po ako sa naging desisyon ng mommy ko,” ‘yun lang ang nasabi ng dalaga at isinakay na siya ng hitad na babaeng payatot na iyon sa elevator.  Hmp!

ADVERTISING

ITINANGGI NI JERICHO Rosales na siya ang tinutukoy na isa sa sikat na hunk ng Dos ang lilipat sa TV5. Usap-usapan kasi na isa kina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Coco Martin at Jake Cuenca ang kumpirmadong lilipat sa TV5 sa January.
“Katatapos ko lang pong pumirma ng bagong kontrata sa Dos at isa du’n ay bibigyan nila ako ng chance na makapag-direk,” pahayag ni Jericho sa Pinoy Paparzzi na nagsabi pang sa Maalaala Mo Kaya mangyayari ang una niyang proyekto bilang direktor.
Ayon pa kay Echo, pinaghahandaan din niya hanggang sa ngayon ang pangarap niyang makagawa ng isang pelikula sa international. “Sa ngayon, naghaha-nap pa rin ako ng good manager, kasi nasa manager ‘yan, ‘di ba? So nandu’n pa rin ‘yung dream ko na makagawa talaga ng international movie at wala naman akong nakikitang masama sa dream kong iyon, dahil lahat naman tayo ay may karapantang mangarap, ‘di ba?”
Sa kabuuan, mariing sinabi ni Jericho na kung meron mang hunk na lilipat sa TV5, isang daang porsiyentong hindi siya iyon. “Ang balak ko, i-revive ang The Hunk, kasi almost 5 years na ring hindi aktibo ‘yung group.”
Nami-miss na raw ni Jericho na muling makasama sa mga show sina Piolo Pascual, Diether Ocampo at Carlos Agassi.

BLIND ITEM: SINO kaya itong TV host/actress na dalagita na ang kanyang anak, pero hanggang ngayon ay itinatago pa rin sa publiko.
Maganda at matalino ang nasabing bagets at kamukhang-kamukha ito ng aktres na nagsimula bilang ramp model pero ngayon ay kilala na bilang host sa mga talk show.
Noon pa napapabalita ang tungkol sa pagiging dalagang ina ng magandang host, pero iwas itong pag-usapan ang nasabing anak.
“Nakakaawa ang bata, kasi alam naman niya ang totoo kaya lang ay hindi niya magawang ipagmalaki ang mommy niya, dahil siya mismo ay inililihim sa publiko,” sabi ng aming source.
Ang dalagitang anak ni TV host ay nag-aaral sa isang exclusive school sa Parañaque. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING