Shamcey Supsup, winner pa rin!

ADVERTISING

Shamcey Supsup, winner pa rin!

Shamcey Supsup, winner pa rin!
BLIND ITEM: NAKAKATAWA ‘yung isang direktor. Ginamit niya sa ilang eksena ang alalay ng isang sexy star sa pelikulang ginagawa nito. At tawa nang tawa si Direk. Ang husay raw gumanap ng malusog na alalay.

ADVERTISING

Kaya ang dayalog nito, “Sana, ikaw na lang ang nagtuluy-tuloy sa pag-aartista, ‘no? Mas mahusay kang umarte kesa sa amo mo. Hahaha!”

Alam naming joke lang ‘yon ni Direk. Pero alam n’yo naman ang joke, half-meant ‘yan. Ang dami na rin naming naririnig na hindi raw talaga marunong u-marte ang sexy star at talagang pipigain pa ‘to nang husto para lang makaarte nang tama.

Pero maganda naman ang mukha ng sexy star na ‘to, in fairness. Sa ganda ng mukha, kinukuha na rin sa mga commercials. Pagtitiyagaan lang talaga ni Direk para makuha nito ang tamang facial expression at tamang akting.

ADVERTISING

Kaya sana, ‘wag natin siyang pagsarhan ng door, ‘di ba?

 

ANG MGA PINOY talaga, kahit hindi “liquid” sa cash at sa kabila ng pagtaas ng presyo ng “gas”, pagdating sa laban ng kanilang kababayan sa ibang bansa, mararamdaman at makikita mong nagkakaisa at “solid” ang buong bayan sa pagdarasal na sana’y manalo ang ating pambato.

Walang ipinagkaiba ang paglaban ni Pacquiao sa mga dayuhan sa paglaban ni Bb. Pilipinas-Universe Shamcey Supsup sa Ms. Universe Pageant. Nandu’n pa rin ang tensiyon kasabay ng dasal na sana’y maiuwi na ni Shamcey ang korona.

Sa loob-loob nga namin, ‘pag laban ni Manny, ba’t gano’n? Konti na lang ang tensiyon sa katawan ng mga Pinoy? Siguro nga, masyado na lang tayong sanay na laging nananalo si Pacman sa boxing.

38 years ago pa ‘yung pa-ngalawang koronang nakuha ng ‘Pinas noon sa Ms. Universe (kay Margie Moran) at hindi pa ito nasusundan. 4th runner up last year si Venus Raj at 3rd runner-up naman si Shamcey.

Hindi kaya next year ay second runner-up na ang ma-bag natin at sa 2013 naman ay first runner-up at sa 2014 ang Ms. U? Ano sa palagay n’yo?

Ganu’npaman, we’re so proud of Shamcey, ang pride ng GenSan, dahil in fairness, ang ganda rin ng kanyang sagot sa Q & A portion, huh! Panalo lang talaga sa audience impact itong si Ms. Angola.

Hay, naku, sana sa replay, manalo na si Shamcey.

 

MUKHANG PAGKATAPOS NG Reputasyon, meron agad gagawin sina Aiko Melendez at Jomari Yllana matapos ang nakatutuwang guesting nila sa Gandang Gabi, Vice nu’ng Sunday.

Juice ko, ramdam talaga na parang wala pa silang anak sa kanilang pagpapakyut habang kinikilig ang mga televiewers, si Vice Ganda mismo at ang kanilang anak na si Andre (kasama ang kapatid nito kay Martin Jickain na si Marthena).

Dahil nga roon, itinimbre na sa ABS-CBN management na bigyan na agad ng tambalan ang dalawa, dahil sobrang pasok na pasok sa banga ang kanilang mga kilig moments.

Kaya salamat sa Gandang Gabi, Vice! dahil dito nila nailabas ang totoong sila na hindi nakita sa iba nilang guesting.

 

SO TOTOO NA ba na lilipat na sa Wil Time Big Time sa TV5 si Mariel Rodriguez, dahil hindi na ‘to masaya pa sa Happy, Yipee, Yehey!?

Totoo rin bang nakipagmi-ting na kay Willie Revillame si Mariel para sa possible inclusion ni Mariel sa variety show ni Willie?

Marami na rin kaming tweets na natatanggap, pero hindi namin masagot nang diretso kung true ba or not.

Abangan na lang natin si Mariel kung magsasalita siya tungkol dito.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING