Shamcey Supsup, walang balak pasukin ang showbiz?!

ADVERTISING

Shamcey Supsup, walang balak pasukin ang showbiz?!

Shamcey Supsup, walang balak pasukin ang showbiz?!OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the ma-ximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly na talaga namang nakakaloka at Monday na Monday, maloloka ka naman talaga sa Earth!

ADVERTISING

Talaga naman kasing nakakaloka ang mga taga-Gen San dahil ang maipagmamalaki lang naman talaga nila ay si Manny Pacquiao at si Shamcey Supsup, dahil itong si Melai Cantiveros ay dinidedma lang ng mga kababayan niya. Nakakaloka naman talaga, ‘di ba? Porke’t hindi international ay hindi nila papansinin? Sa bagay, sino ba naman talaga itong si Melai?

Heto na nga, dahil after ng Miss Universe, marami na ang naglalabasang intriga sa ating pambato na si Shamcey. Dahil maraming nagtatanong sa kanya kung susunod ba siya sa yapak ni Venus Raj at Miriam Quiambao na nag-artista. Pero ang say nga niya rito sa ganitong isyu, wala nga raw siyang balak mag-artista at hindi rin daw pumasok sa isip niya ang pag-aartista.

Pero siyempre, dapat ay maging handa na siya sa mga intrigang ibabatikos sa kanya. Nakakaloka, ‘te? Dapat maging ready ka na dahil sini-mulan mo na ‘yan at naging runner-up ka na sa Miss Universe, kaya dapat maging handa ka na sa mga ganyan. Hindi lang iba’t ibang intriga ang masisilip sa ‘yo, may good or bad.

ADVERTISING

At least nagpakatotoo din siya dahil may nagtanong sa kanya na kung may boyfriend na siya, ang say niya ay meron nga raw. Nagpakatotoo naman siya kaya masasabi mo naman talaga sa kanya, hindi siya talaga showbiz. Pero abangan na lang natin kung talagang totoo ba ang sinabi niya na hindi siya mag-aartista? Pak!

 

AT ANOTHER EKSENA na naman ngayon dahil nagpapaka-kontrobersyal na naman itong si Rosanna Roses at nagpapansin na naman. Ipinagkakalat ba naman ng lola mo na sa dinami-rami raw ng mga   natikman niya sa  showbiz  at  talagang binilang pa niya, si Ted Failon daw ang pinakamasarap sa kama. Nakakaloka talaga ang mga eksena!

Naku, bakit kailangan niya pang ipagsigawan sa madlang pipol, kung sino ang mga nakaeksenahan niya? Naku, ‘te, lola ka na, kaya ‘wag mo nang ibulgar kung sinu-sino, para pag-usapan ka… hahaha!

Nakakaloka naman talaga to the maximum authority of chikka!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong aktres na ito na talaga namang lilipat sa ibang network dahil may nakakaalitan daw sa kanyang programa sa noontime show?

Naku ‘te… talaga namang plastic ‘yang ate mo. Ano ba naman ang talagang say mo? Haha! Magpakatotoo ka na lang ‘te! Kaloka!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING