Shamcey Supsup, super payat pa rin kahit magtu-two months nang preggy

Shamcey-SupsupSUPER PAYAT ni Shamcey Supsup nang mainterbyu namin kaya naman medyo nagulat kami sa announcement niyang magiging daddy na ang husband niyang si Lloyd Peter Lee dahils seven weeks na siyang pregnant.

We talked to the couple during the launching ng kanilang resto, ang Pedro ‘N Coi na matatagpuan sa third floor ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, Quezon City.

“Wala naman, kahit ano, boy, girl,” was Shamcey’s reply when asked kung ano ang gusto niyang baby. At dahil nasa early stage pa lang siya ng pagbubuntis, they have not entertained any idea kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang baby.

“Busy kami rito (resto). Kapag alam na namin ang gender then we can start thinking about names,” say ng beauty queen.

As first time businesswoman, ito ang na-realize ni Shamcey, “Mahirap siya but then it’s rewarding. It’s our own business, you have your own time pero at the same time lahat ay sa iyo rin.”

“Kasi Peter po ang second name niya and Coi Coi is my nickname,” came her explanation naman kung bakit ganoon ang name ng kanilang resto.

“It’s all Pinoy. We have Tambayan ni Pedro sa baba. Then we have the jeepney na ang background mo ay old Manila. Upstairs naman, ang tawag namin ay Bahay ni Coi kasi it’s a remake ng bahay ni Shamcey sa GenSan doon sa probinsiya. It’s a mixed bit of urban, ‘yung ano, very barangay at meron ka ring bit of the country side,” say naman ni Lloyd.

Pedro ‘N Coi offers classic Filipino dishes like sisig, kaldereta, sinigang but in some dishes ay merong embellishments, may twist.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleKiko Matos, walang takot magpakita ng katawan
Next articleMegan Young at Tom Rodriguez, nag-story con na sa remake ng Marimar

No posts to display