Shalani Soledad Tops ‘The 20 Most Influential Women’

ADVERTISING

Shalani Soledad Tops ‘The 20 Most Influential Women’
Shalani Soledad Tops ‘The 20 Most Influential Women’

OLACHIKKA! NOW NA! Hindi ko alam kung anong mase-say ko sa chikka ko sa inyo ngayon. Kung mapapa-Oh, yes! ba ako, o mapapa-Oh, no! Nakakaloka kasi itong nasa listahan ng Top 20 Most Influential Women in the Philippines. Sasang-ayon ba ako rito? Hahaha!

ADVERTISING

‘Yung Top 10 na lang sipatin natin: ang #10 ay si Sen. Miriam Defensor-Santiago na nag-leave sa Senate dahil sa kanyang kalusugan. Hmmm… #9 si Heart Evangelista na hindi na yata matatapos ang bangayan kay Annabelle Rama. #8 naman si Regine Velasquez-Alcasid dahil sa pag-support niya kay P-Noy at ang wedding nila ni Ogie Alcasid.

Nasa Top 7 si Sarah Geronimo dahil sa pag-endorse niya kay Manny Villar, pero natalo ito. #6 si Angel Locsin dahil siya ang Sexiest Woman ng FHM. #5 si Charice Pempengco sa pagkakasali niya sa Glee. Top 4 si Maria Venus Raj dahil sa nasabi niyang ‘major, major’ sa Miss Universe pageant.

‘Eto na ang nakakalokang Top3 – si Ruffa Gutierrez dahil sa matapang na pakikipaghiwalay niya kay Ylmaz Bektas. Gano’n? #2 si Kris Aquino dahil sa hiwalayan nila ni James Yap. At ang #1 ay si Shalani Soledad! Dahil sa affair nila ni President Noynoy Aquino.

ADVERTISING

Bakit naman sa dinami-dami ng pagpipilian, itong mga babae na ito ang napili, e puro isyu lang sa lovelife nila ang napag-uusapan?

Nawindang talaga ako sa listahan na ‘yan! Hindi kinaya ng powers ko! Hahaha!

SEY NI SARAH Geronimo, “Hindi ko po naisip at hindi ko po alam kung bakit ko po nagawa ‘yon,” sa pakikipagbati niya kay Cristine Reyes.

Hello?! Bago ka gumawa ng isang bagay, inaalam mo muna ‘yon, ‘di ba? Imposibleng hindi niya alam ‘yon. Kaya naiintriga tuloy siya! Kaplastikan lang daw ang ginawa niya dahil may pelikula nga siya.

FOR MORE CHIKKA more fun, makinig na lang kayo Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali sa DWSS 1494KHZ, kasama ko si Lady Camille. Su-baybayan pa rin ang programa ko tuwing Linggo sa DZRH 666KHZ, 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING