Shalani Soledad, No-No To Womanizers!

ADVERTISING

Shalani Soledad, No-No To Womanizers!

Shalani Soledad, No-No To Womanizers!LALONG NAGNINGNING ANG pangalan ni Shalani Soledad nang maging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie ng TV5. Nag-click sa masang Pinoy ang tandem nila na lalong nagpasigla sa mga manonood. Nakakaaliw, marami ang kinikilig habang masayang pinapanood ang dalawa lalo na kapag nagsi-mula na ang TV host/singer magpalipad hangin sa konsehala ng Valenzuela. Ang lakas ng impact nila sa mga tao, kaya kinagigiliwan silang panoorin.

ADVERTISING

Almost five months na palang co-host ni Willie si Shalani. Relaxed na ang dalaga, malaki na ang hinusay nito sa pagho-host. Marunong nang sumabay sa mga birong totoo ng controversial TV host.

“I really enjoy the show. Mababait lahat ‘yung mga kasamahan ko,” masayang sabi ni Shalani.

Kung sakaling may soap or ano-ther TV show na I-offer sa kanya, willing ba naman siyang tanggapin ito ?

ADVERTISING

“Willing Willie muna tayo,” mabilis niyang tugon.

Nang magsimulang maging co-host ni Willie si Shalani inugnay na sila sa isa’t isa. Almost everyday, palaging may pagpapahiwatig ng kanyang damdamin ang controversial TV host sa mahinhing dalaga. Palagi nga lang sinasabi ni Shalani, “Basta hindi babaero.” Tatawa lang ng malakas si Willie at babaling na ito sa mga contestant.

Sa takbo ng relationship nina Willie at Shalani, tipong lumalalim ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Nakapag-adjust na rin ang Konsehala sa mga biro nito on-air sa kanilang show. Hindi niya siniseryoso or binibigyang kulay ang nagiging pahayag ng magaling na TV host.

May moment kayang nagsabi si Willie, seryoso niyang liligawan si Shalani?

“Co-host lang po ako ni Willie. Si Willie na lang po ang tanungin ninyo kung nanliligaw siya,” makahulugang sambit ni Shalani.

“Masarap katrabaho si Willie, Nahawa na ako sa kanya. ‘Pag siya ang kasama ko, masaya talaga ako. But let me focus on my work now. Huwag nating bigyan muna ng kahulugan ‘yung pagsakay ko sa mga biro niya, parte lang po ng programa ‘yan.

“Pero kung darating ang araw na kami na, walang makakapigil doon, kung ‘yun ang kapalaran naming dalawa, tatanggapin ko. Kung mangyayari, mangyayari.”

Hindi itinanggi ni Shalani na lu-mabas sila ni Willie nung Valentine’s Day.

“We watched ‘yung show nina Rico Puno at saka ni Ms. Kuh Ledesma sa PICC. Kasama ko siya at saka sina Boss Vic Del Rosario. Nung mag-guest co-host kasi si Rico sa Willing Willie, nag-invite siya sa amin. In return, siyempre, nanood kami,” kuwento niya.

Sa ngayon kaya ay ready na si Shalani na magmahal at mahalin?

“Hindi mo naman masasabi ‘yan. Siguro if it happens, it happens. You just pray na when it does, you can also commit hundred percent to the person,” aniya.

Inamin ni Shalani na apektado ang pamilya niya kapag may intrigang hindi totoong ipinupukol sa kanya. Matatag niya itong hinaharap na walang takot.

“Anything na masulat sa akin na hindi maganda at nabasa ng mommy ko, siyempre nahu-hurt siya. Kasama ‘yung family ko, ‘yung uncle ko, ‘yung mga kapatid ko, ‘yung mga pinsan ko. Lahat sila ay nasasaktan ‘pag hindi maganda ang nasusulat sa akin,” pahayag niya.

‘Yung intrigang hindi raw tuloy ang endorsement ni Shalani sa Bench. “We would like to thank Bench because they put up ‘yung billboard for the past 2 months. It was put up sa may Balintawak,” aniya.

Hindi man maging Bench model ang dalaga,  pinahalagahan niya na minsan ay naging bahagi rin siya nito kasama si Willie.

PERSONAL: TAOS PUSO ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Imelda Mendoza Banawa na pumanaw last March 17 sa edad na 54 sa sakit na Myocardial Infarction, autopsy finding. I-binurol sa Rizal Funeral Pasay City. Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Heritage Park, Taguig Rizal. Condolence sa mga kapatid, kamag-anak, kaibigan at mga anak ng yumao na sina Mary Jane Banawa, Dexter, Marvic, Deselyn, Dharyl at Darwin.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING