Shalani Soledad, nilalampaso ni Camille Villar sa hosting?!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth dahil nakakawindang ang mga eksena ngayong Monday blues! Kaya naman don’t make your Monday a blue Monday…

Nakakaloka talaga ang mga kaparazzi natin, mabilis ang chikka na talaga namang hindi ko mapigilang i-share nang bonggang-bongga! Naku naalala n’yo ba ang mga dating 26K girls? ‘Yung mga taga-bukas ng briefcase sa gameshow dati ni Kris Aquino. Mukhang in-offer-an yata ito ni Willie Revillame na gustong i-join sa kanyang show.

Naku, ‘te… mukha yatang hindi nila kineri, dahil marami ang nakapagsabi sa kanila na super manyakis daw nitong si Willie. At take note, kahit offer-an pa raw sila nang bongga, mukhang ‘di nila kekerihin. Kaya pala, hindi na rin ako magtataka na kaya umalis ‘yung awesome dati sa programa niya. At take note, ino-offer-an din siyang bumalik after niyang mag-school, ‘te. Ang sagot nu’ng merlat, pag-iisipan pa raw niya… haha!

Bakit naman? Eh, ang balita ko, si Willie ang nagpapaaral sa ’yo… keri na ‘yun, ‘te!

O, HETO NAMAN… dumako naman tayo sa bagong host ni Willie na si Camille Villar. Take note, pinanood ko siya dahil kapangalan ng anak ko at co-host ko rin sa radio na si Lady Camille.

Nakakaloka lang naman… ngayon lang ako magko-comment ng positive. In fairness naman kay Camille, bongga siya at mukhang kahit baguhan ay mukhang sanay na sanay na siyang mag-host. At talaga namang maloloka ka sa Earth dahil parang nilampaso sa hosting at parang kulang na lang ay umalis na si Shalani sa hiya… hahaha! Nakakaloka, ‘di ba?

AT TAKE NOTE, dumako naman tayo sa show ni Manny Pacquiao na talaga namang kahit mukhang pumunta ka du’n ay hindi ka uuwi ng luhaan dahil talaga namang lahat yata ng nanonood ay bibigyan ng pamasahe. Hahaha! Kaloka, ‘di ba?

At ang eksena pa, kahit lost na ang contestant ay ibinigay pa rin niya ang prize na talagang dapat na panalunan. Sa bagay, kung ako rin sa kanya, ibibigay ko talaga kahit lost na, dahil kakatapos lang ng pagkapanalo ko. Nakakalurki… hahaha! Bongga!

AT SIYEMPRE PARA naman sa mga nakakasama ko palagi sa aking program every Sunday sa DZRHTV 2:30-3:30pm, ang Wonder Gays, may repeat ang concert nila. Ang taray! Ang bongga lang dito, hindi na isang araw. Kaya para hindi mabitin ang mga tao ay meron pa ulit kinabukasan, at siyempre makakasama nila d’yan ang mga talentadong celebrities… kaya mga beki ano pa ang hinihintay n’yo? Suportahan niyo na! At mas lalo nilang pinaghandaan ‘yan. Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleLoveteam nina Erich Gonzales at Enchong Dee, patok sa fans kahit walang relasyon
Next articleSharon Cuneta, ‘di pa handang makasama si Gabby Concepcion sa isang project

No posts to display