Shalani Soledad, may ‘something’ kaya nagmamadaling makasal?!

ADVERTISING

Shalani Soledad, may ‘something’ kaya nagmamadaling makasal?!

Shalani Soledad, may ‘something’ kaya nagmamadaling makasal?!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the maximum authority of chikka ng yours truly, ng nag-iisang pinagkakatiwalaan na talaga namang maloloka ka sa Earth!

ADVERTISING

Talaga namang napakabilis ng panahon. Noon ay naiintriga lang ang ate mo sa isang TV host at akala talaga nila, may kilig factor. Pero take note, si Shalani Soledad ay ikakasal na agad! Naku, ‘te… kakapakilala pa lang niya sa madlang people, at after ilang araw, ikakasal na agad?! Nakakaloka, ‘te!

Naku, ‘te… isang yaya lang ni Congressman, ikakasal na agad at talagang marami ang nagsasabing fans at may kumakalat na isyu na ang mismong manager daw niya ang nagkakalat na si Shalani ay easy to get… pak! Totoo naman kaya?

Anyway, kasi siyempre naman, talagang nagulat ang karamihan na may boyfriend pala siya, dahil sobrang hinhin nito ‘pag nasa TV, at talagang akala mo, ‘di makabasag-pinggan.

ADVERTISING

Tanggap ng mga fans na may BF isyu, pero after ay ikakasal na… naku,   ‘te!  May  nakara-ting pa sa ‘king isyu na hindi naman daw ikakasal ang isang showbiz personality, kung walang something. Ano naman kaya ‘yung something na ‘yun? Hahaha!

Abangan na lang natin kung ano naman ‘yun. Baka mas lalo pa ta-yong ma-shock, at baka mawalan lalo ng fans si Ate Shalani mo. Ooops… siya na! Siya na ang in love!

 

AT HETO NAMAN ang isa pang isyu na talaga namang hindi mo masasabing isyu, dahil true to life ni Nora Aunor at talagang sinabi niya na idedemanda raw niya ang mga nagretoke sa kanya sa Japan.

At hirit pa ni Ate Guy, siguro raw sinadya ng tadhana ang pagkawala ng boses niya dahil marami ang gustong tumulong na mga fans niyang Noranians na ipagamot siya sa Boston, pero ang gusto niya ay dapat managot ang nagretoke sa kanya.

Naku, ‘te… sana nga matupad ang mga eksena na pinaplano ni Ate Guy para sa mga Noranians na nagmalasakit sa kanya… another pak! na naman ‘yan, ‘te… bonggacious!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong TV host-actor na ito na talaga namang kinokontra ng misis niya ang mga bisyo niya at mga pinaplano niya?

At take note, ang aktor na ito ay ang lakas pala talagang magsuba… Naku iwasan mo ‘yan, baka magkasakit ka pa… nakakaloka… sino siya?!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. At siyempre every Saturday, sa mga kababayan natin sa UK, i-type lang sa internet ang PINOYRADIOUK, 7:00-9:00 PM, Manila time. Badjao! 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING