Shalani Soledad’s ardent suitor is a politician

ADVERTISING

Shalani Soledad’s ardent suitor is a politician

Shalani Soledad’s ardent suitor is a politicianSUCCESSFUL ANG INIHANDANG surprise birthday party para kay Valenzuela councilor Shalani Soledad dahil wala talaga itong kaide-ideya na merong inihandang party sa kanya na ginanap sa Gazeebo Royale nu’ng Martes ng gabi.

ADVERTISING

Bale asalto ‘yun kay Shalani dahil nu’ng kamakalawa ang kanyang kaarawan.

Inihanda ‘yun talaga ni Willie Revillame sa kanya at punong-abala sa pag-asikaso ang Mommy niya.

Dagdag pang sorpresa sa kanya ay ang pagdalo ng kanyang ama na si Adolfo Aguirre.

ADVERTISING

Ang buong akala niya, birthday party ‘yun ni Mr. Ray Espinosa ng TV5, pati na rin ni Jay Montelibano na Unit Head ng Willing-Willie, dahil kasabayan niya ang mga ‘yun na nag-birthday. Pero para talaga sa kanya ‘yun na dinaluhan ng mga bigwigs ng TV5 at pati nina Sen. Manny Villar at anak nitong si Cong. Mark Villar.

Thirty-one na si Shalani at ang karamihang wish sa kanya ay sana makahanap na raw ito ng tamang lalaki para sa kanya.

‘Yun din kasi ang gusto ng Mommy niya dahil hangad na rin nitong magkaapo sa kanya. Pero mukhang naka-focus pa si Shalani sa trabaho dahil wala naman ‘yun sa mga birthday wish niya. Mas wish pa nga niyang maging magaling na host dahil kinakarir naman niya ito sa ngayon.

Pagdating sa lovelife, ewan ko kung seryoso na si Shalani kahit alam kong merong isang pulitiko na pursigidong nanliligaw sa kanya na parang nagustuhan na rin niya. Saka ko na lang ikuwento kapag sila na talaga. Malalaman ‘nyo rin ‘yan!

Siyanga pala, bakit parang malungkot si Willie nu’ng gabing ‘yun? Parang matamlay siya at may malaking problemang dinadala.

Dinig ko naman magbabalik na sila sa May 7, pero wala pa silang official statement kung talagang tuloy na ito.

NAKU, HA! NALOKA naman ako sa kuwentong nakarating sa akin na meron na raw akong Twitter account.

Ang pangalan ko raw sa Twitter na ‘yun, dilang_totoo na ang hindi makapaniwala si Pauleen Luna na meron na ako dahil alam naman niyang kahit mag-text, ‘di ko pa rin alam.

Ang nakakaloka pa, ‘day, tinu-tweet ko si Pauleen na hinaharbatan ko ng pasalubong.

Siyempre kung maniningil ako ng pasalubong tatawagan ko na ang Mommy niya, ‘no!

Hay, naku! Huwag na huwag kayong padadala sa mga Twitter-Twitter account ko na ‘yan, dahil never akong maggaganyan.

Kahit nga Facebook, wala ako. Kaya kung sino man ang may kagagawan niyan, tigilan n’yo na dahil sasabihin ko pa sa Startalk na peke iyang Twitter ko na ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING