Shalala, takok ma-in love

ADVERTISING

Shalala, takok ma-in love

ShalalaPASS NA lang daw muna pagdating sa lovelife ang mahusay na host/comedian na si Shalala. Mas gusto raw muna nitong mag-concentrate sa kanyang trabaho at sa kanyang lumalagong negosyo. Hindi naman daw sa pihikan siya kung hindi takot daw siyang ma-issue muli na nangdadatung at inuubos ang pera sa lalaki.

“Hindi ko na siya iniisip. Hahaha! Kung nand’yan, nand’yan… ‘wag, wa, wa! Mabuting wa muna, pagtuunan ko muna nag career at negosyo ko. Tsaka na ang lovelife na ‘yan! Nakai-stress din. Hahaha!

“Baka ma issue na naman akong nagdadatung sa lalaki ‘pag nalaman nilang may lovelife na naman ako. Hahaha! Pass muna rin sa lovelife,” pagtatapos ni Shalala.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING