Shalala, suportado ang pagmamahalan ng kaibigang si Arnell Ignacio at Ken Psalmer

ShalalaISA ANG komedyanteng si Shalala sa natuwa sa naganap na pagpo-propose ni Arnell Ignacio sa alaga at BF nitong si Ken Psalmer. Kuwento nga ni Shalala, isa sa close friend ni Arnell, nagpakatotoo lang daw si Arnell sa kanyang nararamdaman.
Nakita naman daw nito kung gaano ka-in love ngayon si Arnell kay Ken, at ganu’n din naman ang baguhang singer kay Arnell. Kaya naman daw suportado nito ang pagmamahalan ng dalawa.
Pinayuhan nga ni Shalala si Arnell na ‘wag na lang pansinin nina Arnell at Ken ang mang-iintriga sa kanila, dahil normal naman daw sa industriyang kanilang ginagawalan na may mga tao talagang gagawa at gagawa ng intriga para inisin sila.
Isa lang daw ang masasabi ni Shalala sa mga taong ‘di aprubado ang pagmamahalan nina Arnell at Ken, ” Mamatay sila sa Inggit!” Sabay malakas na halakhak ng mabait na komedyante.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleYoung actor, pinagtataasan ng kilay ang pagiging virgin pa raw sa bading
Next articleArnell Ignacio at dyowang si Ken Psalmer, tigilan na raw ng bashers

No posts to display