Shalala, pumirma ng 5-year management contract sa Viva Entertainment

ADVERTISING

Shalala, pumirma ng 5-year management contract sa Viva Entertainment

ShalalaISA NANG certified Viva artist ang mabait at mahusay na komedyanteng si Shalala na pumirma ng 5-taong kontrata sa Viva Entertainment.
Laman daw ng management contract ni Shalala sa Viva Entertainment ang paggawa ng pelikula at ang pagkakaroon ng show sa Viva Channel, kung saan napapanood ang ilan sa mga Viva stars.
Biro nga ni Shalala na sa pagiging Viva artist ay kaliga na niya sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Nadine Lustre, Sam Pinto, Maricel Soriano, at Claudine Barretto na pare-parehong Viva artists.
Teejay-MarquezTeejay Marquez, magpapasaya sa Star Mall Cebu

NAKATAKDANG MAG-SHOW sa Star Mall Cebu ang Kapamilya star at naging part ng matagumpay na soap ng ABS-CBN na Dream Dad na si Teejay Marquez sa May 15, 2015, ganap na 4 pm.
Pakikiligin ni Teejay sa kanyang mga inihandang awitin ang kanyang mga tagahanga sa Cebu.

 

2015 Mr - Ms Olive C Candidates2015 Mr. and Ms. Olive C, kokoronahan na sa May 23

ADVERTISING

ALL SET na ang engrandeng koronasyon para sa 2015 Mr. and Ms. Olive C na gaganapin sa May 23, 2015 sa SM North Edsa Skydome, ganap na 5 pm.
Ilan sa successful past winners, runners-up ng Mr. and Ms. Olive C ay sina Hiro Magalona Peralta (GMA prime artist), Mauriel Orais (Miss Earth Philippines-Water), Jon Lucas (Star Magic talent), Joshua Joffe (image model of UniSilver Time), Mutya Datul (Miss Supranational 2013), at Ash Ortega (GMA prime artist), atbp.
Ilan sa mga magsisilbing espesyal na panauhin sa Grand Coronation Night ng Mr. and Ms. Olive C ay sina Hiro Magalona Peralta, Laurence Mossman, Goodvibes, at si Jon Lucas.
Kaya naman sugod na sa SM North Edsa Skydome para makita kung sino ang tatanghaling Mr. and Ms. Olive C ngayon mula sa mga candidates sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING