Shalala, niregaluhan ng singsing na may brilyante ng kanyang longtime BF

ADVERTISING

Shalala, niregaluhan ng singsing na may brilyante ng kanyang longtime BF

ShalalaMASAYANG-MASAYA AT kinikilig na ipinakita ni Shalala ang kanyang singsing na may brillantitos na ayon dito ay bigay ng kanyang longtime boyfriend.
Kuwento nga ng komedyante, “Naku mare na-touch talaga ako, kasi hindi ko inaakala na mabibigyan ako ng ganito kagandang singsing. Akala ko nga, binibiro lang ako ng kumpare mo. Sabi niya sa akin, ‘akina ‘yung daliri mo.’ Ako naman, ibinigay ko ang kamay ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang inilagay ‘yung gold ring na may mga brillantitos. Kinilabutan talaga ako. Kasi sa edad kong ito, ngayon lang ako nabigyan ng singsing.

ADVERTISING

“Biniro ko nga siya kung totoong bato ba ito at magkano? Tapos sinagot niya ako ng ‘wala naman sa halaga ‘yan, ang mahalaga buong pusong ibinigay sa ‘yo.’ Doon na ako medyo na-teary-eyes. Kasi kahit anong isip ko, parang fairy tale. Hahaha! At ako ‘yung princess.
“Sabi ko nga sa sarili ko, engaged na ako. Hahaha! Wala lang, masaya talaga ako… iba ‘yung feeling , sobrang saya talaga.”
Ayaw ibigay ni Shalala ang identity ng kanyang boyfriend dahil non-showbiz ito at ayaw niyang makaladkad sa intriga.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING