Shalala, lagare sa dalawang pelikula

ADVERTISING

Shalala, lagare sa dalawang pelikula

Shalala
Shalala

Hindi man masyadong visible sa telebisyon si Shalala, ratsada naman ito sa paggawa ng pelikula.
Dala-dalawa nga raw ang pelikulang natapos na nitong gawin, ang “Die Beautiful” na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros, kung saan ginagampanan nito ang role bilang host ng Miss Gay, habang make-up artist naman daw ang role na ginagampanan nito sa “Mang Kepweng” na pinagbibidahan naman ni Vhong Navarro.
Tsika nga ni Shalala, “Ok nman ako sa awa ng Dios my mga raket parin. Nakapag shootng ako sa die beautiful at mang kepweng, maliit lng role ko dun hehehe , pero okey na atleast may trabaho.
“Yun naman ang mahalaga sa akin ang may work at hindi nabobokya .
“Sa die beautiful host ako ng ms.gay at sa mang kepweng naman make-up artist ako.”
Bukod nga sa dalawang pelikula nito, regular ding napakikinggan sa radio si Shalala sa DzRJ, sa “Shalala and Friends” mula Lunes hangang Biyernes.

 

Joel Cruz And His Mother Milagring With His Kids
Joel Cruz And His Mother Milagring With His Kids

Joel Cruz, magse-celebrate ng tatlong mahahalagang event sa kanyang buhay

Abala ang Lord of Scents na si Joel Cruz sa paghanda sa nalalapit na ikaapat na kaarawan ng kanyang first set of twins na sina Prince Sean at Princess Synne Cruz sa September 4.

ADVERTISING

Noong ipinanganak sa Russia via surrogacy ang kambal, kamuntik nang tumama sa anibersaryo ng Aficionado Germany Perfume na September 5 naman.

Labing-anim na taon na ang kumpanya ni Sir Joel mula nang itaguyod niya ito sa isang tindahan sa Ever  Gotesco Grand Central. Ngayon ay abot na sa 500 ang tindahan nito nationwide.
Kasabay ng celebration ng kaarawan ng kambal ni Sir Joel at anibersaryo ng kanyang kumpanya ang ika-88 kaarawan ng kanyang inang si Nanay Milagring sa September 13. Kahit single parent si Sir Joel, ay ang kanyang nanay ang tumatayong mother figure sa mga anak ni Joel.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING