Shalala, bawal kausapin si German Moreno tungkol sa trabaho

Shalala, bawal kausapin si German Moreno tungkol sa trabaho

Shalala-German-MorenoTSIKA NI Shalala na naglalakad at namamasyal na si German Moreno at nakapag-mall na rin ang nag-iisang Kuya Germs sa showbiz.

Isa sa mga madalas dumalaw si Shalala sa Master Showman at para raw maiba naman ang paligid ni Kuya Germs, nakararating pa raw sila sa Roxas Boulevard.

Bawal lang daw nilang pag-usapan ang trabaho kapag sila ay nag-uusap. Pinagbawalan din daw ng doctor na magsalita nang mabilis si Kuya Germs dahil nga hindi puwedeng ma-stress.

Matatandaang si Kuya Germs ang nagbigay ng pagkakataon kay Shalala na lumabas sa TV at sumama sa Master Showman sa radio program. Si Kuya Gersm din ang naghikayat kay Shalala na baguhin nito ang hitsura sa Walang Tulugan na tinupad naman nito ang payo sa kanya.

Wish ni Shalala na magtuluoy-tuloy na ang mabilis na recovery ni Kuya Germs na nagsimula nang mag-therapy.

Dahil sa pagkakasakit ni Kuya Germs ay na-postpone ang pagse-celebrate ng That’s Entertainment at pati na rin ang celebration ng anniversary nang Walang Tulugan With The Master Showman na dapat ngayong buwan ng Pebrero isi-celebrate.

Hangga’t wala at hindi pa nakababalik sa show ni Kuya Germs, hindi puwedeng ipagdiwang ang anniversary ng show dahil magiging walang saysay ito kung wala sa TV show ang nag-iisang Master Showman.

Sa ipinapakitang mabilis na recovery ni Kuya Germs, hindi dapat mag-alala ang mga fans ng Master Showman at mga nagmamahal dahil malapit na malapit na itong magbalik.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo