SHALA! Heart Evangelista ipinasilip ang kanyang resort sa Boracay

MAHIGIT dalawang dekada nang aktibo sa showbiz si Heart Evangelista. Nasaksihan natin ang kanyang pagpasok bilang isang teenstar sa G-Mik to becoming the lead of Berkz hanggang sa maging isa sa in-demand actress, singer, video jockey (VJ) at effective product endorser ito. Nakita rin natin ang kanyang pagbagsak, paglipat sa GMA at muling pagbangon ng kanyang personal and showbiz career.

SHALA! Heart Evangelista ipinasilip ang kanyang resort sa Boracay
Heart Evangelista

With all the ups and downs, Heart Evangelista remains relevant! Ngayon ay idagdag pa natin ang pangangarir nito bilang painter and social media star/influencer. With all that being said, hindi na kataka-taka na nakaipon na ito ng limpak-limpak na salapit at ini-invest ang kanyang hard-earned money sa iba’t ibang negosyo.

Ngayon, Heart Evangelista is a proud owner of a Boracay resort!

Sa kanyang latest vlog ay proud na ibinahagi nito na nag-invest ito sa Harlan Beach Villa na matatagpuan sa Station 1 ng Boracay Island.

Swak na swak kay Heart ang pagkakaroon ng sariling resort. Napatanong nga kami ng ‘why only now?’

May apat na kuwarto ang property na ayon sa kanya ay “very instagrammable”. Kitang-kita rin ang personality o vibe ng aktres sa disenyo ng lugar.

“When the time is right and when you guys are able, I would love to have you stay here. It is open for rent, this whole place.” Paghikayat pa ni Heart.

 

Siguradong nasa travel wishlist na ito ng mga loyal supporters ni Heart! Nakakamiss ang Boracay!

Watch the video above to learn more. Sa telebisyon ay nalalapit na ang lock-in taping para sa teleserye comeback ni Heart Evangelista na “I Left My Heart in Sorsogon” kung saan makakapares niya ang Kapamilya turned Kapuso na si Richard Yap.

Previous articleKALMA LANG! Anne Curtis, umalma sa balitang babalik siya sa GMA
Next articleAra Mina ikinasal na sa fiance na si Dave Almarinez