Shaira Mae dela Cruz, ‘di raw binabantayan ang BF na si Edgar Allan Guzman para ‘di maahas ni Maxene Magalona

Shaira Mae dela Cruz, ‘di raw binabantayan ang BF na si Edgar Allan Guzman para ‘di maahas ni Maxene Magalona

Shaira-Mae-dela-Cruz“MAYBE THEY’RE using me for their promo. Pero sana huwag naman nila akong gamitin!”

Ito ang naiiritang pahayag ng TV5’s Baker King lead actress na si Shaira Mae dela Cruz kaugnay sa isyung namataan siyang nagtungo ng ABS-CBN (Your Face Sounds Familiar) para bantayan daw ang kanyang BF na si Edgar Allan Guzman na nali-link kay Maxene Magalona.

“Kasi ang tagal na nu’ng tapos, ngayon lang lalabas. Bakit hindi na lang pag-usapan ‘yung Baker King, ‘di ba? Hindi puro sa kanila.

“Ako, may show ako ngayon na Baker King, malaki. Basta happy ako sa show ko na Baker King at sa ka-loveteam ko na si Mark,” pagtatapos ni Shaira Mae.

 

UnisilvertimeUniSilver Time 10th anniversary concert, malaking tagumpay

 

NAGING MATAGUMPAY ang pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng UniSilver Time via concert na ginanap sa Aliw Theater last May 15, 2015.

Ilan sa nga UniSilver Time ambassadors na talaga namang umani ng malakas na tilian mula sa mga taong nanood ng gabing iyon sina Sam Milby, Ejay Falcon, UPGRADE, Bea Binene, Julie Ann San Jose, Misters of the Philippines headed by Mister International Neil Perez, Enzo Pineda, Karylle, at ang mga DJs na sina Kristine Dera, Lala Banderas, at Mama Emma.

At sa pagpasok ng ika-11 taon ng UniSilver Time, mas maraming ngang bago, quality, trendy, fashionable, at magagandang relo ang dapat abangan.

John’s Point
by John Fontanilla