Shaina Magdayao, watch out! John Lloyd Cruz and Maricar Reyes, secret lovers?!

ADVERTISING

Shaina Magdayao, watch out! John Lloyd Cruz and Maricar Reyes, secret lovers?!

Shaina Magdayao, watch out! John Lloyd Cruz and Maricar Reyes, secret lovers?!MADALAS DAW NGAYONG nagkakaproblema sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz. Base sa nakalap naming balita, nawawalan na raw ng time ang aktor sa aktres na siyang ipinagpuputok ng kalooban ng dalaga.

ADVERTISING

Feeling daw ni Shaina ay parang nanlalamig na ang binata na lalo pang pinatindi ng isyung may namumuong “sweetness” ngayon kina Maricar Reyes at Lloydie na magkasama sa pantaseryeng Imortal.

Hindi ganu’n kasolido ang nakarating sa aming balita. Pero kung paniniwalaan ang tsika, may mga pagkakataong tila may sariling mundo sina John Lloyd at Maricar kapag magkasama. “Ewan ko lang, ha? Pero iba ang dating kapag magkasama silang dalawa. Parang may inililihim na relasyong hindi mo maintindihan,” sey ng aming source.

Tama! Hindi si Sarah Geronimo, hindi si Ruffa Gutierrez at lalong hindi si Bea Alonzo ang dapat “katakutan”ni Shaina na posibleng magwasak ng kanilang magandang pagmamahalan ni John Lloyd, kundi si Maricar na sa simula pa lang ay obvious nang type ni Lloydie. Tsuk!

ADVERTISING

SA PANSAMANTALANG PAG-ABSENT ni Willie Revillame sa kanyang programang Willing Willie, marami rin naman ang natuwa dahil napapanood na nila nang maaga ang Babaeng Hampaslupa at iba pang show na sumusunod sa show ni Willie.

“Maganda ang Willing Willie pero sana kung hanggang saan lang ‘yung time slot niya hanggang du’n lang siya. Maganda ang Babaeng Hampaslupa, pero dahil late nang pumapasok ,kinatatamaran tuloy naming panoorin,” pahayag iyon ng isang avid fan ng Channel 5.

Sa kabilang banda, malaking kawalan sa Singko ang ilang araw na pagkakawala ni Willie sa ere dahil bukod sa hinahanap ng maraming fans ang TV host, may ilang advertiser ang loyal dito. “Hindi malayong mag-pull-out ang ilang commercial kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon, pero nasa diskarte na iyon ng Channel 5 kung paanong hindi sila maapektuhan kung sakali,” sabi naman ng isa pa naming kausap.

Shaina Magdayao, watch out! John Lloyd Cruz and Maricar Reyes, secret lovers?!

Samantala kampante ang kampo ni Willie sa hinaharap na kaso nito. Base sa mga tapat na kaibigan ng host, mananatiling tahimik at may zipper muna ang kanilang mga bibig habang hindi pa tapos sa korte ang usapin. “Si Willie pa… my God! Kakambal na yata ng taong iyan ang ganitong problema, pero tingnan n’yo, natumba ba siya?”

MARAMI ANG NAAAWA kay Rosanna Roces. Magaling na artista ang aktres at malayo na ang narating niya ngayon. “Mamasan na lang siya ngayon sa Mga Nagbabagang Bulaklak, dati siya ang ibinubugaw sa mga pelikula niya, ngayon siya na ang bugaw. Ang buhay nga naman ng artista, kapag hindi mo iningatan ang iyong image at career, sa kangkungan ka dadamputin,” sey ng isang beteranang kolumnista.

Totoo kung tutuusin, malayo na sana ang narating ng isang Rosanna Roces, ilang acting award na rin ang meron siya. Ilang pelikula na ba niya ang kumita? Pero ano ba ang meron sa aktres na ito at sa paglipas ng mahabang panahon, sa halip na sumulong ay tila umurong ang kanyang karera?

Matagal na naming kaibigan si Osang. Isa kami sa pumapalakpak sa kanya dahil may kakaiba siyang galing sa lahat ng mga bagay na gagawin at gagampanan niya. Pero isa rin kami sa mga kaibigan niya na laging nagluluksa sa tuwing “babagsak” ang aktres nang dahil sa kanyang kapabayaan. Madalas sa hindi, si Osang ang klase ng artistang ‘oo’ ngayon, pero ‘hindi’ bukas. For short, wala siyang isang salita, na siyang dahilan kung bakit maraming producer at direktor ang natatakot na kunin ang kanyang serbisyo.

SA LAHAT NG mga alaga ni Annabelle Rama, tila si Arci Muñoz ang sisikat. Maganda, matalino at mabait ang aktres… pero iyon ay kung maghuhubad ang dalaga!

Tama! Panahon na para tuluyang iwan ni Arci ang kanyang sweet image. Dapat na niyang iwan ang pa-cute na role at harapin na ang bagong mundo kung gusto niyang maabot ang stardom.

Kung hindi kikilos si Annabelle at Arci, malamang ay maunahan pa sila ni Bela Padilla dahil nakatakda nang magpaseksi ang dalaga sa mga susunod nitong project. At feeling namin, iisa lang ang korona para sa kategorya nina Bela at Arci, at ito ay ang tronong matagal ding hinawakan ni Gretchen Barretto – sexy at palaban!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING