Shaina Magdayao, type ding maging dyowa si Piolo Pascual!

ADVERTISING

Shaina Magdayao, type ding maging dyowa si Piolo Pascual!

Shaina Magdayao, type ding maging dyowa si Piolo Pascual!NAKAUSAP NAMIN si Shaina Magdayao sa nakaraang summer station ID shoot ng ABS-CBN nu’ng nakaraang linggo at agad ay tinanong namin siya tungkol sa nababalitang madalas daw silang nakikitang magkasama ni Piolo Pascual sa mga lakaran.

‘Di naman ipinagkaila ng aktres na lumalabas sila ni Piolo. Siya raw ang nag-introduce rito sa bikram yoga, samantalang ito naman ang nagpakilala sa kanya ng larong badminton. Pareho rin silang tumatakbo kung saan ang tawag nga nila sa ginagawa nila ay pagbabakulaw, dahil sobra ang pagmamahal na nakikita niya talaga kay Piolo sa sports at parang wala itong kapaguran.

Tulad ni Piolo, klinaro rin sa amin ni Shaina magkaibigan silang dalawa ng aktor, at para sa kanya si Piolo ang isa sa pinakamabait at mabuting tao na nakilala niya sa showbizness na ‘pag nangailangan siya ng taong malalapitan at kakausapin tungkol sa buhay, isa ito sa pinakamasarap na kausap. Shaina Magdayao, type ding maging dyowa si Piolo Pascual!

Aminadong ine-enjoy niya ang kanyang pagi-ging single sa ngayon, pero nang tanungin kami kung na kay Piolo ba ang mga katangian ng lala-king susunod niyang mamahalin, sinabi ni Shaina na ‘choosy’ pa ba siya? Kung saan ayon sa kanya, ‘di siya nagsasarado ng pinto sa anumang posibilidad.

ADVERTISING

Nagsimulang ma-link ang dalawa nang lumabas ang mga larawan na magkasama nang mag-show ang ASAP sa Singapore. Namatay paunti-unti ang balita sa dalawa at na-link pa nga ang pangalan ng aktres kay Sam Milby. Magkapareha sa pelikulang On The Job, kung saan ayon kay Shaina dito nagsimula ang closeness nila ni Piolo.

Kung hindi man mauwi sa isang romantikong relasyon ay naniniwala kami na nakatagpo ang dalawa ng isang tunay na pagkakaibigan sa katauhan ng bawat isa.

 

SA KABILA ng ilang hindi magagandang karanasan ni Norris John sa showbizness, nandu’n pa rin ang masidhing pangarap ng batang aktor na makabuo ng sariling pangalan at tatak sa industriya. Napanood na sa ilang pelikula tulad ng Gabriel, kung saan nagbida si Norris John at ngayon ay magsu-support ito sa pelikulang Boy Onse bilang isang pipi naman ang role niya.

Napakasuwerte niya dahil napaka-supportive ng mga magulang. Personal na naming na-meet ang butihing ina ni Norris John at ayon dito ay buong-buo talaga ang suporta ng pamilya nila para sa anak.

Ga-graduate na ngayong Mayo si Norris John ng kursong Computer Science sa AMA Caloocan. Sa kabila ng tatapusing kurso, nandu’n talaga sa puso ng baguhang aktor ang pag-arte.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING