Shaina Magdayao, tuluy-tuloy na sa pagpapaseksi!

ADVERTISING

Shaina Magdayao, tuluy-tuloy na sa pagpapaseksi!Shaina Magdayao, tuluy-tuloy na sa pagpapaseksi!HINDI MALAYONG SUNDAN na ni Shaina Magdayao ang career path ni Angelica Panganiban sa pagpapaseksi! Yehey!

Lumilinaw na ang bulung-bulungang ito nang aminin ng nakababatang kapatid ni Vina Morales sa isang casual interview na hindi na siya bata at kailangan na siyang mag-move on as an actress. Naniniwala rin siya na hindi siya maggo-grow as an actress, kung mananatili siya sa image niyang animo’y bata pa, pero katawang dalaga na.

Nangingiti na rin siya kapag pinapansin ang makinis at mahaba niyang legs (lalo’t mini skirt ang suot). Agaw-pansin din ang cleavage niya, dahil hindi maitago ang angkin niyang kayamanan na angkop sa kasabihang “she’s carrying most of her cargo on the upper deck,” or something to that effect.

Una na naming sinilip ang umbok na iyon nang gawin ni Shaina ang seryeng Dragona for TV. Akala nga namin, masusundan na ito, lalo’t pinagpiyestahan ang kanyang pictorials for Dragona sa covers ng movie magazines at tabloids. I guess, hindi pa handa ang dalagita pang dating child actress nang mga panahong iyon.

“Hindi pa nga po, Tita,” aniya sa amin nang sabihin ko sa kanyang sayang naman kung basta itatago lang ang katangian niyang iyan. Ang dami diyan na kailangan pang magpa-enhance para lamang magkaroon ng magandang dibdib, samantalang sa kanya ay nagmumura, lalo’t nakaliyad pa.

ADVERTISING

Namula bigla si Shaina sa puna kong iyon. Kaya’t pansamantala kong itinigil ang pambubuska. Natiyak kong hindi pa nga handa ang original “Drama Princess” ng Kapamilya network.

But not anymore. Habang nagte-taping siya ng Rubi, lalong lumalakas ang loob niya na ituloy-tuloy ang kanyang binabalak. May basbas na rin siya sa kanyang Ate Vina na nagsasabing, sinusuportahan niya ang ano mang desisyon ng dating itinuturing niyang “baby sister” lang. Sa totoo nga naman, mas sexy pa si Shaina kaysa ate niya ngayon.

Sa katatapos na ASAP noong Linggo, maraming mata ang nakatitig kay Shaina habang nagsasayaw, kasama si Angelica. Hindi na nga paawat ang reluctant sexy actress.

Probably, it can be told na isa sa mga dahilan ng break-up nila ni John Prats ay ang career move na gagawin ni Shaina.

“I want to decide on my own,” confide niya sa isang very reliable source. Mahirap kasi na may karelasyon kapag ginawa ko na ito. Kailangang buo ang loob ko, wala akong inaalalang masasaktan. Kahit sabihin pang mauunawaan naman niya ako, hindi pa rin maiaalis na magseselos o masasaktan siya. I have priorities now at iyan ay ang career ko. Kailan pa ba akong magdedesisyon kundi ngayon. While I am still young, ‘di po ba?”

Korek ka d’yan, Shaina. Bilang isang artista, mahirap ang may limitasyon. Tingnan mo nga ang dati mong BFF (bestfriend forever) na si Bea Alonzo, namamayagpag na. Ganu’n din si Katorse, este, si Erich Gonzales pala. Kahit pina-plaster-plasteran ang dibdib para magka-umbok, eh, sikat na sikat na. What more si Shaina na orig na orig ang lahat ng body parts. Dapat, go, go, go ka na, girl!

EXCITED NANG MAGING guest si April Boy Regino sa Sharon sa darating na Linggo. Na-miss nang husto ng dating Jukebox King ang local fans niya pagkatapos ng mahigit apat na taong paninirahan sa U.S of A. Naranasan din niya ang malaking competition sa pagso-show, dahil walang TV at recording companies doon na magpo-promote ng kanyang mga awitin. Nararamdaman din niya ang hirap ng pagsisimula uli sa sariling bayan. Marami na ang bagong sikat na sikat at kailangan niyang makahabol.

Makakasama niya sa Linggo sina Jessa Zaragoza, Mayshel and Nipz, PDA Kids (Kyle, Jerome, Dean and Leon) at X10 Dancers.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING