Shaina Magdayao, sobrang wild sa love scene sa pelikula

ADVERTISING

Shaina Magdayao, sobrang wild sa love scene sa pelikula

Shaina Magdayao, sobrang wild sa love scene sa pelikulaPALAKPAKAN ANG lahat ng tao pagkatapos ng advanced screening ng OTJ (On The Job), dahil maganda ang pagkakagawa ni Direk Erik Matti ng kanyang obrang pinangungunahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joey Marquez, Joel Torre, Rayver Cruz, Angel Aquino, Empress at Shaina Magdayao.

ADVERTISING

Actually, nandu’n din pala sa pelikula sina Rosanna Roces, JM de Guzman (na ang balita’y “nagpapagaling”). Ang galing ng mga shots ni Direk Erik. Talagang ramdam mo ang ambience kung “gaano kagago”.

Shaina Magdayao, sobrang wild sa love scene sa pelikulaHindi na namin ipe-preempt pa ang istorya ng pelikula, panoorin n’yo na lang at kayo na ang humusga kumbakit sobrang ipinagmamalaki ito nina Piolo at Gerald.

 

ADVERTISING

HINANAP NAMIN ang walong oras na kinunang love scene ni Gerald sa baguhang si Dawn Jimenez, pero ang mas nakapukaw ng aming damdamin (me nalalaman pa kaming pukaw, ha?) ay ‘yung love scene nina Piolo at Shaina.

Medyo matindi ito at ang ganda ng katawan ni Shaina (katawan talaga ni Shaina ang napansin, hindi katawan ni Piolo?). ‘Yun na yata ang natatandaan na naming pelikulang “nag-wild” si Shaina, huh!

Juice ko, ‘andu’n pa naman nu’ng gabing ‘yon si Vina Morales, ano kaya’ng mase-say nito sa love scene ng kapatid na nali-link ngayon kay Papapi?

Pagalitan kaya nito si Shaina?

O, kainggitan pa ang kapatid?

Hahahaha!

Alam na.

 

Kathniel, pumalo sa ratings sa bagong serye

 

UY, CONGRATS nga pala kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, dahil ang kanilang Got To Believe teleserye according to Mico del Rosario ay pumalo ng 34% rating nu’ng Monday.

So that means sobrang nanabik ang mga fans sa KathNiel. At kahit ang co-host namin sa Showbiz Inside Report na si Carmina Villaroel ay hindi rin makapaniwala na grabeng dami ng fans ng KathNiel.

Siyempre, proud Ninang naman ni Daniel si Carmina na gumanap bilang mommy ni Daniel. Anyway, sana’y tuluy-tuloy ang paghagupit sa ratings ng Got To Believe.

 

Janice de Belen, ‘kinalawang’ kaya nagka-UTI

 

NAGKA-UTI PALA si Janice de Belen, kaya ilang araw ding itong napirmi sa bahay at dinadalaw na lang ng mga kaibigang artista.

Biro nga namin kay Mareng Janice, “Antagal mo na kasing walang lovelife, kaya wala ka ring dyug!”

“Oo nga, eh. Kinakalawang na yata! Hahaha!”

“Eh, ‘di magdyowa ka na para hindi ka na pinapasukan ng UTI. Ang papasok na sa ‘yo eh ‘yung UTI din, pero may ‘N’ na sa dulo.”

Natawa na lang ang kumare namin.

Alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING