Shaina Magdayao, pinaikot lang ni John Lloyd Cruz?!

ADVERTISING

Shaina Magdayao, pinaikot lang ni John Lloyd Cruz?!

Shaina Magdayao, pinaikot lang ni John Lloyd Cruz?!

HINDI NA talaga maawat ang pagiging sweet nina Angelica Panganiban at John Loyd Cruz dahil kamakailan via Instagram, makikitang magkasama ang dalawa, bukod pa sa may nakakita sa kanilang naghalikan sa isang restaurant along Quezon City.

Tanggap na ni Shaina ang paghihiwalay nila ng landas ni John Lloyd. Ang hindi lang talaga ma-take ng aktres ay pinaikot siya ng aktor na patuloy na nagde-deny sa kanya tungkol sa relasyon nito kay Angelica.

Ayon sa isang taong malapit kay Shaina, noong una raw ay naniniwala ang aktres sa mga alibi ng aktor na kaya sila madalas na magkasama ni Angelica ay dahil sa pelikulang kinunan sa Vietnam.

ADVERTISING

“Nakakaawa si Shaina sa nangyari dahil mahal niya si John Lloyd, kaya lahat ng sabihin nito ay pinaniniwalaan niya. Pero at the end, tama pala ‘yung mga balitang nakakara-ting sa kanya,” say ng aming kausap.

 

TUNGKOL NAMAN sa Instagram na picture nina John Loyd at Angelica, deadma lang si Derek Ramsay dahil ang katuwiran ng aktor, since nang maghiwalay sila ni Angelica ay naputol na rin ang karapatan nila sa isa’t isa.

Pagkatapos nang kung ilang linggo sa London para sa Olympics, heto at balik-trabaho na uli sa harap ng kamera ang binata, kung saan ay nagsimula naman silang magkaharap nina Anne Curtis at Andi Eigenmannpara sa kanilang pelikula sa Viva Films.

Itinanggi rin ni Derek ang balitang naglalabasan na may relasyon na sila ni Ruffa Gutierrez, dahil ang usap usapan ay si Ruffa na raw ang bagong apple of the eye ng aktor.

 

BUNTIS NGA ba talaga si Danita Paner? Marami ang nagsasabi na mataba na ngayon ang nasabing aktres, kung saan ay obvious na nagdadalang-tao.

“Mahilig lang siyang magkakain ngayon kaya mataba siya, kaya lumaki siya. Pero hindi siya buntis. Dahil kung buntis siya, siguro ako ang unang makakaalam, ‘di ba?” sabi sa amin ni JC De Vera.

Wala na raw relasyon sina JC at Danita, pero still friends daw ang dalawa, at walang nakikitang masama ang aktor kung sakaling maging close uli sila.

“Matagal na rin kaming hindi nagkikita ni Danita, but for sure hindi siya buntis,” pagdidiin pa ni JC.

Matagal nang nababalitang buntis si Danita, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktres na nanatiling nasa ibang bansa pa. Pero kung paniniwalaan ang tsika, roon na raw manganganak ang aktres.

Hindi ganu’n kakumpirmado ang balitang ito, pero kung paniniwalaan natin ang nakarating sa aming balita, after manganak ni Danita ay muling babalik na ito sa bansa. Well ang tanong: totoo kayang buntis si Danita?

 

ANGELO TIMOTHY Benedict ang pangalan ng isisilang ni Angelica Jones at isusunod sa real surname ng aktres na Alarba, dahil kung tinalikuran daw ni Batangas Councilor Gerard Anday ang pagiging ama nito, hindi si Angelica.

Shaina Magdayao, pinaikot lang ni John Lloyd Cruz?!

Ayon sa actress-politician, maraming tao ang nagsabi sa kanya na huwag ituloy ang pagdadalang-tao dahil baka hindi siya totohananin ni Gerard, na siyang nangyari.

“Mas nakakatakot ‘yung magpa-abort. Hindi baleng maging dalagang ina ako, huwag lang ako magpa-abort,” sabi sa amin ni Angelica.

Walang nakikitang bad sides si Angelica sa pagiging dalagang ina niya at sa halip ay mas marami raw tao ang bumati sa kanya at natuwa sa kanyang naging desisyon.

“Una, hindi na naman ako bata, 29 years old na ako. At bakit ko naman tatanggalin sa katawan ko ang bata, regalo ito sa akin ng Diyos?” Tuluy-tuloy na sabi ng comedy actress.

Walang pinatatamaan si Angelica, pero hindi raw siya tulad ng ibang babae na mas inuuna ang dangal kesa sa relasyon sa Itaas.

“Magalit na sa akin ang lahat ng tao, huwag lang ‘yung nasa Itaas. Siya lang ang hindi ko ka-yang kalabanin sa lahat,” pagwawakas ng aming kausap.

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING