Shaina Magdayao, nobyo ang vice mayor ng Ormoc?

Shaina Magdayao, nobyo ang vice mayor ng Ormoc?

Shaina-MagdayaoMEANWHILE, HABANG nakapokus ang buong sambayanan sa siyudad ng Tacloban sa Leyte bilang bahagi ng limang araw na Papal visit, nakasagap kami ng tsismis na mula sa isa namang bayan sa nasabing Visayan province, ang Ormoc.

A native of Ormoc tipped us off na ang bagong nobyo raw ni Shaina Magdayao ang bise alkalde nito. Una naming tanong sa aming source, ano ang background ng boyfriend ng aktres, binata ba o may sabit?

If a certified bachelor, walang problema. However, kung hindi, then Shaina and the guy are both into trouble.

 

THE CHRISTMAS holidays are over, pero may pahabol pang tuwa’t saya ang episode ngayong Linggo ng Ismol Family.

Talk about the traditional gift-giving dahil ibinalot ni Mama A (Carmi Martin) ang kanyang sarili para iregalo kay Lance na nasa Skype na.

And take note, may bagong   dagdag sa Ismol family sa katauhan ng isang kakaibang Kapre. Yes, Kapre a.k.a. Capriosa ang tawag sa kanya na nababalutan ng misteryo ang pagkatao.

What’s more, baka hindi kayanin ng mga loyal viewers ng Ismol Family ang pakikipaglandian ni Bobong (Pekto) sa mga girlalu, pero ang nakaiintrigang tanong: bakit kaya itinatago ni Bobong ang itsura nito?

Samantala, Dianne and Jackie get expelled from school, pati sina Yumi at Ethan, damay! Sa kabuuan, expect another riotous episode of Ismol Family this Sunday, 6:45 pm.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III