Shaina Magdayao, nakuha sa kantiyaw?!

ADVERTISING

Shaina Magdayao, nakuha sa kantiyaw?!

Shaina Magdayao, nakuha sa kantiyaw?!TINABLAN MARAHIL si Shaina Magdayao sa mga kantiyaw na kahit na wala pa siyang bagong lovelife ay hindi siya dapat na sobrang maging kampante na porke’t maganda siya ay hindi na siya mag-aayos nang bongga para lumitaw pang lalo ang kanyang kagandahan. Marami kasi ang nakapansin na pagkatapos ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz ay obvious na obvious ang kanyang pananahimik bilang pamamahinga ng kanyang puso.

ADVERTISING

Napakasimple lang din ni Shaina kung mag-aayos ng kanyang sarili habang puro porma lang ng panliligaw ang maraming kalalakihan sa kanya. Kabaligtaran daw ng bagong karelasyon ni Lloydie na si Angelica Panganiban, na kahit lumalapad na sa katabaan ang katawan ay nagmamaganda talaga lagi sa kanyang mga kasuotan.

Pero nitong um-attend si Shaina sa Star Magic Ball, buong kaseksihan niyang inilantad ang wakwak ng kanyang likuran sa suot niyang gown.

Hindi pa rin nagmamadali si Shaina na muling magkaroon ng bagong karelasyon. Pero nararamdaman naman niya na sa mga panahong ito ay puwede na ulit siyang ma-in love. Bagay sila ni Piolo Pascual, pero ang dami-daming nanliligaw ngayon kay Shaina na kanyang mapagpipilian kung ready na talaga siya ulit makipagrelasyon.

ADVERTISING

Shaina Magdayao, nakuha sa kantiyaw?!

PUMIRMA SI Judy Ann Santos ng bagong contract sa ABS-CBN. Sa mahabang pag-iisip para gumawa ng malaking desisyon sa kanyang career, tanging sa Kapamilya network pa rin naman tiyak na magkakaroon siya ng haplos ng pagmamahal sa isang artista. Katunayan ng pagmamahal at pagpapahalaga ng network sa Dos ay ang maagap na paghahatag sa kanya ng kontrata, na nangangahulugang hindi talaga siya pakakawalan.

Ang mundong ito ng mga artista na kinaroroonan ni Judy Ann ay isang malaking negosyo. Lagi namang nagkakaroon ng pakonti-konting tampo ang young superstar sa kanyang home studio, pero sa madalian ding pagpapaliwanagan ay nagiging maayos ang lahat.

Kung papaanong kahit naman sandamakmak na sa dami ang mga artistang inaalagaan ngayon ng Dos, hindi nakalilimutan ng Kapamilya Network, na nu’ng nagsisimulang bumongga ang kumpanya sa paggawa ng teleserye ay ilang taon sa ere ang binilang ng Mara Clara na sina Juday at Gladys Reyes ang mga bida.

Wala nang dapat pang patunayan si Juday sa showbiz, dahil naging napakasuwerte na niya. Pero sa pangangalaga ng career, tiwala pa rin siya na ABS-CBN ang kanyang tahanan. Nagdudumilat na katotohanan, na mahirap umalis sa home studio mo kung magiging katulad ka naman nina Sharon Cuneta at Claudine Barretto na naramdaman sa showbiz ang napakalaking pagbabago sa takbo ng karera nu’ng lisanin na nila ang ABS.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING