Shaina Magdayao, nagngingitngit sa galit kay Angelica Panganiban?!

Shaina Magdayao, nagngingitngit sa galit kay Angelica Panganiban?!

Shaina Magdayao, nagngingitngit sa galit kay Angelica Panganiban?!RUMORS ABOUT Dra. Vicki Belo at Edward Mendez, ang newcomer na nali-link sa pamosong beauty doctor, will not likely come to an end.

Why will it stop, eh, parati silang nakikitang magkasama, the latest of which was when they attended the premiere night ng Born To Love You.

Marami nga ang nagtaas ng kilay na makita silang magka-holding hands while walking through the red carpet.

Many were thinking that they did it intentionally to get attention. May mga nagsasabi ring  gimik lang nila ‘yong dalawa because they’re aware that all eyes were on them during the premiere night.

Being a newcomer, Edward needs publicity and to achieve it nang walang ka-effort-effort, ay sinakyan na lang niya ang tsismis sa kanila ni Belo.

Edward denied with seeming vehemence that he was the third wheel in Belo’s break-up with Hayden Kho. He was just a friend of Belo lang daw.

Oo nga naman. Meron namang mag-friends lang na nagho-holding hands.

 

UNTIL NOW ay nagngingitngit pa raw sa galit itong si Shaina Magdayao kay Angelica Panganiban.

Si Angelica kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nag-break ni John Lloyd Cruz.

Naniniwala kasi si Shaina na malaki ang kinalaman ni Angelica sa buhay ngayon ni Papa Lloydie. Aware siyang may something between them.

Natsitsismis nga ngayon si Lloydie na nakikita sa condo ni Angelica.

Pero up until now ay hindi pa rin naniniwala si Derek Ramsay sa tsismis sa ex-girlfriend niyang si Angelica at Lloydie.

I’m sure that it’s not true,” tweet ng hunk actor.

Shaina Magdayao, nagngingitngit sa galit kay Angelica Panganiban?!

REGULAR KAMING pumupunta sa Robinson’s Place Malate. Naging friend na namin ang sales clerk sa shoes department because we bought a pair of  shoes.

Not surprisingly, when we visit the shoes department ay marami na kaming naging kaibigan who attended to us like a professional promo agent would.

Then on May 31, while having pleasantries with some sales clerks, the department head, Lady V. D. Rebaja, came and we decided to move away. A day later, when we arrived, nobody seems to have the interest in entertaining us. We were told by at least three of the sales clerks that the department head told them not to entertain us.

With her act, this department head does not realize that she loses a potential customer. With an attitude like that she will likely turn of customer.

Sayang because we have some friends who will go to school na dadalhin ko pa naman sana sa store nila kaya lang ay ‘wag na lang.

Tama ba ang ganitong attitude ng department head? Hindi ba dapat ma-PR sila dahil sila ay nasa customer service?

 

BLIND ITEM: Nakakaloka ang tsismis sa isang baguhang actor. Super linis nito sa katawan at napakabango kapag nakabihis na pero alam n’yo bang may bad breath ito?

May halitosis daw ang actor kaya naman marami ang na-turn off nang maamoy nila ang hininga nito. Hindi sila makapaniwala na ang guwapong baguhan ay may masamang hininga. Walang-wala raw sa personality nito na may amoy siyang mabaho.

Ang higit na mas nakakaloka, hindi kaya ito naamoy ng isang personalidad na sinasabing karelasyon ng baguhang actor? O baka naman hindi lang niya talaga ito pinapansin dahil natatakot siyang iwan nito at hindi na niya ito maisama sa kanyang lakaran para mai-display?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas