Shaina Magdayao, na-trauma kay John Lloyd Cruz?

ADVERTISING

Shaina Magdayao, na-trauma kay John Lloyd Cruz?

Shaina Magdayao
Shaina Magdayao

Hindi ko alam kung na-trauma si Shaina Magdayao sa relasyon nila noon ni John Lloyd Cruz na nauwi sa hiwalayan at kung anu-anong katsismisan na tatawan mo na lang dahil parang pinaglaruan ang dalawang magsing-irog noon ng tsismis at medyo may kabastusang balita na alam mo namang hindi totoo.

Kaya ko nabanggit na parang na-trauma ang dalaga, dahil after Lloydie, parang wala akong nabalitaang may nakarelasyon openly si Shaina Magdayao.

Si Piolo Pascual, umeksena sa kanya na alam mo naman na paandar lang. Si Sam Milby, ganu’n din, may ligaw effect, pero alam ko, walang seryosong kauuwian ang “panliligaw” ng binata. Masasayang lang ang oras ni Shaina sa dalawa.

Hindi man napag-uusapan ang mga manliligaw ni Shaina na mga non-showbiz guys, aminado siya na meron namang aali-aligid sa puso niya. Sabi nga niya sa presscon ng “My Candidate”, kung saan si Derek Ramsay ang kapareha niya, thankful siya dahil marami rin namang nakaa-appreciate sa kanya.

ADVERTISING

Pero paniwala ng dalaga na kung darating talaga ang tamang lalaki sa buhay niya ay uukol talaga.

“I guess, it’s really the timing. Wrong timing siguro kasi nga marami akong ginagawa. Malalaman n’yo rin kung kalian ako magkakaroon ng boyfriend. Bakit ko itatago. Ipagsisigawan ko ‘yan,” napapangiting kuwento niya.

Sa sobrang kabisihan ni Shaina, no time for love talaga siya at kung meron man, saan paasok ang “lovelife” gayong may serye siya sa Cinema One with Mateo Guidicelli at isang mala-action indie film with Enrique Gil. May panahon pa kaya siyang magka-lovelife?

Sa panahong maganda ang takbo ng career ngayon ni Shaina, malamang sa hindi, naniniwala na siya na kung si Mr. Right ay kakatok at nasa right timing, why not?

Everyone needs love. Everyone deserves to be happy!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING