Shaina Magdayao, gustong makipag-ayos kay John Prats

NAGING SENTRO NG usap-usapan ang balitang kumakalat tungkol sa couple na diumano’y ‘na-stuck’ at dinala sa ospital. Sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz umano ang tinutukoy sa blind items. Kahit naglabas na ng statement ang Star Magic about the rumors, patuloy pa rin itong pinag-uusapan kaya minaigi ng dalaga na sa kanya na mismo manggaling ang katotohanan.

Sa presscon ng bagong telerserye ni Shaina na Precious Heart Romances presents Alyna, binigyang-linaw niya ang issue tungkol dito. Matapang niyang sinagot ang mga katanungan ng entertainment press about this nusty rumors. “No, hindi po totoo ‘yun. I think it’s the most outragious tsismis ever sa industriya. Nakakalungkot na pag-isipan pa kami ng mga ganu’ng bagay. Kahit sa normal na tao kung totoong nangyari ‘yun, pupunta ka ba naman sa hospital? Kami pa kayang public figure, kahit ano ang gawin namin ay nababalitaan ng tao. Walang ka-sense-sense ang sinasabi ng taong ‘yun. Hindi porke artista kami, puwede na kaming pagbintangan ng mga ganito. Nakakatawa siya sa mga nakakabasa sa internet. Hindi ko alam kung papa’no at kung saan siya nagsimula.”

Paano ka sinuportahan ni John Lloyd? “Gaya ng pinagdaanan namin dati, hindi naman niya ako inilaglag. I’m very very thankful, kasi his always there to hold my hand, samahan ako sa mga ganitong pangyayari.”

Reaction ni Shaina noong time na marinig niya ang tsismis tungkol sa kanila ni John Lloyd? “Nu’ng una kong marinig ito, two or three weeks ago, tumawag ‘yung handler ko sa akin. Nakakatuwa nga naman ‘yung issue, nu’ng una sabi ko, ano? Hindi ko nakuha ‘yung exact scientific terms kung anuman ‘yun. Siguro kung hindi sa ‘yo nangyari ‘yun, hindi mo malalaman ‘yung exact terms na ‘yun. Nu’ng una, parang na-shock ako. Mayroon palang outrageous na tsismis na mabibintang sa amin ni John Lloyd kasi, sanay naman po ako. May mapipintas kayong physical sa amin ni John Lloyd, sa trabaho namin but not something like this. Na-shock ako, pagkatapos nu’n tinawagan ko siya, sabi ko, alam mo ba ‘yung kumakalat ng tsismis tungkol sa atin na ganito na ganyan? Tinawanan lang namin, alam naman naming hindi kami ‘yung nandoon sa hospital.”

May balak ba si John Lloyd na magbigay ng official statement? “I guess, kung matatanong naman siya his willing to speak-up. Marami lang siyang trabaho ngayon, nagkataon na ako ‘yung una ninyong nakaharap.”

May pagkakataon bang may sinamahan kayo ni John Lloyd o may dinalaw na kaibigan sa St. Luke’s Hospital? “Hindi ko po alam kung saan nanggaling ‘yun. Ewan ko kung ano ‘yung sinasabing nagko-confirm pa. Sa hi-tech ng panahon ngayon, siguro kung may picture dapat kumalat na. If totoo man na na-rush ka sa ER, hindi ba mayroon kang dapat i-fill- up na form, kailangan mong bayaran kung talagang na-rush ka roon. Wala naman silang maipakita na nandoon ‘yung pangalan namin ni John Lloyd.”

Hindi kaya gimik lang ito para mapag-usapan ang pinaka-daring na telerserye ni Shaina? “I really don’t know… Definitely, kung gimik man siya, hindi po ganyan ang Star Magic. Ako po naman, gusto kong makilala at mapansin ‘yung talento ko as an actress not in a negative way.”

Kunwari lang, kung sakaling balikan ka ni John Prats at kayo pa rin ni John Lloyd, sino sa kanila ang pipiliin mo? “Kung kanino po ako committed doon naman po ako loyal. Alam naman natin kung kanino ako committed ngayon. Hopefully the friendship between me and John, sana mag-stay and ma-renew. Hindi pa naman siya ganoon naaayos, hindi pa nga kami nakakapag-usap.”

May idea ka ba kung kanino nanggaling ‘yung rumors tungkol sa inyo ni John Lloyd? “Alam ninyo, mahirap pong magbintang, never kong gagawin ‘yun. All I know is, alam ko, alam ng taong ‘yun kung sino man siya na hindi totoo ‘yun. Hindi po ako magbibintang ever, naniniwala akong may kunsensiya ‘yung taong ‘yun.”

Ito na kaya ang pinakamabigat na controversy na kinaharap ni Shaina? “Pinakabastos, hindi lang sa akin, sa buong industriya. Definitely, nababastusan ako, nabababaan ako, na-cheap-an ako. Oo, pero hindi ako nasasaktan kasi alam kong hindi totoo.”

Tinanong din namin si Shaina kung napag-usapan nila ni John Lloyd ‘yung daring scenes with Sid Lucero at Jason Abalos? “Napag-usapan naman namin regardless kung sexy ba ‘yung role or love scene ba ‘yung gagawin. Walang naging problema sa amin, kung gaano ako ka- excited, ganu’n din siya. Alam kasi niya kung gaano ko kamahal ang proyektong ito.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleSinger na hard drinker, humihilata sa dance floor ‘pag nalalasing!
Next articleKalahating bilyong piso ang demanda ng Dos: Willie Revillame, mahihirapang makabalik sa TV?!

No posts to display